Yung iba po mommy umiinom na ng malunggay capsule ng ganyang months. Sa case ko naman po kasi bilang first time mom na lately na lang naexpose sa supply and demand rule, mga 7 months pa lng po ako pinipisil pisil ko na po si nipples and massage si breast. Kasi sobrang decided po ako na magpabreastfeed talaga. Kaya nung nakita ko nung 30weeks ako na somehow may gapatak na gatas na lumbas sakin, sobrang saya ko. Tas tinuloy tuloy ko lang pagmamassage. Kaya paglabas po ng baby ko nung nasa recovery room na po ako, may nadede na po si baby. Tas panay po ako padede kay baby.
Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ Correct and proper knowledge on breastfeeding is way more effective than any milk boosters in the market ☺️
maraming salamat po, mag join po ako
Anonymous