Ayaw mag dede ni baby sa bottle
Hello po, pa help naman po, pure BF kasi bby ko. Tapos gusto ko po mabalik sa hilig nya na magdede sya sa bottle kasi babalik na ako sa trabaho. Ano po pwede gawin? Salamat po.. FTM

Hindi po agad-agad yan, it takes time kasi syempre nasanay na siya sa’yo. Ganyan din baby ko nung una. Ginawa ko at first every morning kahit 1 beses na feeding lang pinapractice ko siya magbottle. Then hindi ko siya karga habang pinapadede sa bote kasi ang tendency nila hanapin breast natin. Nakalapag lang siya sa sofa tapos naka-elevate. Sabi ng pedia namin minsan mas okay kung hindi ikaw magpapadede sa kanya sa bote, pero case to case basis kasi ‘to. Ang pinakanagwork sa’min na bottle is pigeon wideneck. Ngayon sanay na siya kaso mahina lang siya dumede sa bote mapabmilk or formula. Try niyo lang po kung anong pinakamagwowork sa inyo ni baby mo mapatechnique or bote. Basta magbaon ka po ng maraming pasensya kasi ‘di siya agad-agad.
Magbasa pa

