Breastfeeding tips. Ftm
Update: hi po mga mommies, may milk na po ako na lumabas every time po na nagpapump ako kaso wala pa pong 1oz yung naiipon ko. Hirap kasi isuck ni baby yung nipple ko po kaya nag iipon ako sa bottle bago nya madede. 😞 ngayon po naka mixed si baby, milk ko muna tapos saka yung nan optipro🥛. Ano pa po kaya pwedeng gawin? Madilaw din po eyes nya. May moringa capsule and food ko masabaw at palagi may malunggay. 5days na po si baby gusto ko kasi pure breastfeed po sya. Thanks po Hi po need ng help nyo po. Pwede ko po ba iformula na si baby kawawa po kasi wala talaga di ako makapagbreastfeed sakanya po. 2days old palang po si baby. Need ba ng reseta after 1 week po kasi balik namin for check up po. Thanks po#1stimemom #advicepls

Mamsh, kung nastrestress ka dahil nakikita mong parang patak patak lang lumalabas, relax ka lang. Remember, maliit ang tummy ni baby. Kaunti lang talaga at a time ang need at kaya niya. Ang importante is lagi siyang dumedede kaya unlilatch kayo. The more na dumedede ai baby, the more milk ang maproduce mo to keep up with needs ni baby. Also, nakakalessen din talaga ng gatas ang stress. Kaya hingang malalim, relax, and padede more.
Magbasa pa