Sumasakit ang tyan pag gising sa umaga

Hello po. Nasa 1st trimester palang po ako tapos since nalaman ko na preggy ako evwrytime na pag ka gising ko sa umaga sumasakit ko tapos naiihi ako tapos mawawala tapos pero medyo masakit parin normal po ba yun mga mommy? 8 weeks na po akong preggy ngayon. Tapos may UTI po raw ako base sa laboratory results ko sa municipal health office namin. Pero di pa po ako nakainom ng inireseta sakin na gamot kasi di ako pinapayagan ng papa at kapatid ko kasi nakakasama raw sa baby yun. Kaya water therapy nalang ako tapos buko narin po. At this time palaging paring umatake yung morning sickness ko pero usually evening talaga sya umaatake kaya di ako nakakainom ng folic acid. Sana po masagot niyo po. Kasi sumasakit po talaga tiyan ko tapos umiinom nalang ako ng tubig after ko umihi sa umaga.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, noong 1st trims. ko po nagka UTI din ako, at gaya nyu din po takot ako uminum ng mga antibiotics kasi baka makakasama sa baby. Nag ask ako sa may mga experienced na,yung mga momies tapos sabi nila na dapat ma cure yung UTi bago pa mapasa sa bby kasi pede yang mapasa sa anak nyu po if gNyan lang ang ginagawa mo na water therapy. Mag ask ka lang sa OB mo kung anong antibiotics na iinumin mo kasi safe nmn po yun. At promis totoo sabi nila na pede mag cause pa yan ng preterm labor kasi nakaranas din ako ng preterm labor kasi matigas ulo ko noong una, pero sa huli umiinum padin ako ng gamot at CRANBERRY juice the best din. Wag puro buko kasi tataas din yung uric acid nyu po. Please umiinum kana hanggat maaga consult your Ob.

Magbasa pa

same tayo mhie...nong 8weeks ako ganyan din Yung nararamdaman ko,tas nag pa check up din ako sa municipal health office namin.tas Sabi ni doc may UTI daw ako kaya ayon niresetahan niya ako Ng antibiotics , pag uwi ko Ng bahay Sabi din Ng pamilya ko wag ko daw inumin Kasi baka makakaepekto daw sa baby ko.pero grabi na Yung sakit na nararamdaman ko eh.. kaya ininom ko na talaga,Sabi ko di Naman nila ako matutulungan sa sobrang sakit Ng nararamdaman ko eh..so far okay na Naman ako sa Ngayon.. kaya mhie kapag niresetahan ka Ng OB mo inumin mo na.. di Naman Yan Sila magreresita if makakasama Sayo at sa baby mo ehh.maniwala ka sa doctor wag sa mga sabi2x Kasi sa huli Ikaw din Naman Yung mag susuffer niyan.

Magbasa pa
2y ago

CO-AMOXICLAV PO..LIBRE PO YUNG GAMOT SA HEALTH CENTER NAMIN 14TABS DIN PO SAKIN.

kapag ni resetahan na po kayo ng antibiotic meaning yong infection niya po di na kaya ng water or buko juice lang. Nagka UTI din po ako nong 2nd semester ko and 1 week ako nagtake ng antibiotic, with lots of water at buko juice, after more than a week ng urinalysis ako tas ayon malinis na, nawala na din yong UTI ko. Delikado kasi yan momsh pag hindi naagapan lalo na nasa first semester ka pa lang po nang pagbubuntis pinaka risky po ang first tri kasi nabubuo pa lang vital organs ni baby.

Magbasa pa

kaya sumasakit yang puson mo ay dahil sa uti mo nakakacause ng miscarriage ang di nagamot na uti, lalo na at kung malala na ito isa pa, kaya ka binigyan na ng antibiotic e dahil di na kaya ng tubig lang yung infection. explain it sa tatay at kapatid mo lalo kung di sila expert, wag nilang pangunahan ang order ng Dr. mas nakakatakot na mawalan ng anak dahil lang sa naniwala ka sa hindi expert. ang sakit mawalan ng baby, based on experience.

Magbasa pa

Ay ang galing nman ng Tatay at kapatid mo hahaha,mas magaling pa sa Doctor. Alam mo ba kung bat ka niresetahan ng gamot? Kase ibig sabihin niyan malala yung UTI at di na madaan sa tubig2x lang kaya need na ng gamot. Kaya pala sumasakit eh,di mo iniinom gamot mo. Sa ginagawa mo, talagang makakasama yan sa baby mo at sayo. Kaya ginagamot ang UTI kase pwedeng makakuha ng infection yung baby sa loob.

Magbasa pa

hi po, during may 1st trimester is nagka UTI ako. ang taas ng UTI ko kaya niresetahan ako ng OB ko ng monurol. Bumaba po. Unfortunately, during my 3rd Tri eh bumalik naman to the point na nagcause ito ng preterm labor ko. Naadmit po ako at pinag antibiotic. kaya po mas maigi na sundin natin ang ating mga OB dahil para naman sa safety ito ng mommy at ni baby. salamat

Magbasa pa

bakit naman di mo ininum yung reseta ng OB mo? need mo yun para mawala yung uti mo. mag aadvice naman sila ng water therapy lang pag hindi ganun kalala. pero pag neresetahan ka dapat sundin mo yun kasi pwedeng maka apekto yun sa batang nasa tiyan mo. di naman expert yang tatay at kapatid mo bakit sila yung susundin mo? sila ba yung doktor mo?

Magbasa pa

Ako po uminom ng antibiotic, 2days lang nagpalaboratory ako, wala na UTI ko po. Wala naman pong irereseta ang Ob na makakasama sayo or sa baby. Dapat ininom mo na, kesa may mangyari pa sayo lalo sa baby. Tapos more water intake pag nainom nung antibiotic, para mabilis mawala UTI.

As per my ob's advise, pag may UTI ang mommy need magtake ng antibiotic para di mahawa si baby. Nung nagka uti ako niresetahan ako ng antibiotic 2x for 7 days. May kasamang pampakapit yung nireseta. Try mo magpacheck up sa ob. Pakita mo laboratory results mo.

pag ang reseta galing sa OB safe po yang inumin para ma cure ang UTI mo...mataas cguro ang UTI atbdinkaya ng wter theraphy lang kaya bilhin mo n yang gamot na nireseta sayo..

Related Articles