Bumukang tahi

Hello po, nanganak po ako Feb 21, natahi po ako hanggang sa pwet. Nung balik ko po sa OB ko sabi po e bumuka tahi ko. Hindi po ako binigyan ng Antibiotics o ano, basta daw po walang problema kahit di na ko pa check ulit. Tanong ko lang po sana kung ayos na po ba yung nahiwa sakin? Mahigit 2 months na din po nung nanganak ako. Kapag po kasi nagtatalik kami ng asawa ko 7 weeks po after manganak, kapag po ipapasok medyo masakit po banda sa pasukan ng pwerta. Pero maya maya po pag naipasok na, hindi na masakit. Sa totoo lang po natatakot ako baka hindi pa po hilom sugat ko at kailangan ako tahiin ulit. Di ko po alam kung balik na po sa normal yan, paki sagot po sana. Thank you! #normaldelivery #TahiBumuka

Bumukang tahi
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mukhang ok nmn po dapat kasi tinitimpi muna ang pagtatalik na yan pwede nmn paabutin ng 3 months pataas para nmn maka recover katawan ninyo maawa din kasi kayo sa katawan ninyo explain ng mabuti sa asawa na mahirap mapunit

7mo ago

As per OB 6-8 weeks po pwede na po makipag talik hehe. Pinakita ko din po sa mister ko at sinabi niya mukhang ayos na din daw po. Thank you po sa reply! 🤗

momshie mukhang okay naman, as long as walang bleeding kapag po may penetration go lang pero sabi nga hinay hinay muna at di pa fully recovered ang katawan natin