Bumukang tahi
Hello po, nanganak po ako Feb 21, natahi po ako hanggang sa pwet. Nung balik ko po sa OB ko sabi po e bumuka tahi ko. Hindi po ako binigyan ng Antibiotics o ano, basta daw po walang problema kahit di na ko pa check ulit. Tanong ko lang po sana kung ayos na po ba yung nahiwa sakin? Mahigit 2 months na din po nung nanganak ako. Kapag po kasi nagtatalik kami ng asawa ko 7 weeks po after manganak, kapag po ipapasok medyo masakit po banda sa pasukan ng pwerta. Pero maya maya po pag naipasok na, hindi na masakit. Sa totoo lang po natatakot ako baka hindi pa po hilom sugat ko at kailangan ako tahiin ulit. Di ko po alam kung balik na po sa normal yan, paki sagot po sana. Thank you! #normaldelivery #TahiBumuka