Pamahiin ng matatanda

Hello po may nakakaexperience po ba dito ng stress dahil sa kapamilya?. Malaking epekto po ba sa baby ang stress? 36weeks pregnant po, halos araw araw may pamahiin ang lola ko. Nung una po hindi ko nalang pinapansin pero habang tumatagal sumasama ang mga sinasabi nya, dahil hindi daw po ako nagpahilot sa kanya, yung lola ko po dating nagpapaanak nung kapanahonan nya pa. At naghihilot parin ng ibang buntis ngayon pero ako na apo nya ay nag refuse sa kanya na magpahilot dahil bawal nga po sabi ng OB ko. Nirerespeto ko naman po pamahiin nila pero mas gusto nya na sya daw ang paniwalaan namin wag daw ang OB o ang doctor. As of now po kasi parang allergy na ako sa lola ko, ni marinig o makita ko sya naiirita na po ako agad. Kayo po ano po ginawa nyo para maiwasan ang stress na hatid nito? Thanks po.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply