early labor o diarrhea?

hello po, may naka experience na po ba dito ng pag labor na diarrhea ang symptom? kase kaninang umaga po around 5 am nagising ako sobrang sakit ng tiyan ko sa parteng abdomen tapos para akong natatae na ewan. nagpunta ako ng cr at mahigit kalahating oras akong nakaupo. nasusuka na din po ako at nalalamig ang kamay at laa ko. nung lumabas na po ay basag. hanggang maghapon ganon. nakaka 5 times nakong balik. wala naman po akong nakain na masama maliban sa tinola at afritada tapos nung madaling araw nagutom ako, nagpagawa ako ng oatmeal sa husband ko. 36 weeks and 2 days na po ako. ano po kaya yun? sign na po ba yun ng early labor o sadyang dala lang ng kinain ko? TIA

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Exact symptoms nung nanganak ako sa baby ko. 3am humihilab tyan ko na parang constipated ako kada oras pabalik balik ako sa cr pero utot lang nalabas. Around 6am nagspotting na ko pero super konting patak lang dinala na ko sa center 11am pumutok panubigan 12nn lumabas si baby.

kung hindi naman po naaaalis its means naglalabor n po kaua kasi pag 36weeks pregnant pwede n po kau manganak..pero magkaiba po kasi ang sakit ng diarrhea and sa labor..ku g sa pakiramdam nio ang nararamdaman mo ay sa puson un po labor n po un.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-63411)

Nabilang niyo po ba ang pagitan ng sakit ng tiyan niyo? If regular ang intervals, labor na po yun.

Kamusta ka? Kabag at diarrhea naman ako. 32 weeks pregnant. Worried ako.

VIP Member

if feel nyo po masakit puson nyo labor na po yun

Punta ka po sa hospital baka po labor