Turning 1 year old na po this week si baby pero hindi pa marunong tumayo at gumabay on his own.

Hello po nagwoworry lang po ako sa baby ko na mag-1st birthday na this week. Bakit po kaya hindi pa siya gumagabay at tumatayo mag-isa? Diba po dapat bago pa mag 1 year old marunong na? Kahit sa crib niya ayaw po niya humawak para dun gumabay. Kapag nasa bed naman po kami from dapa tataas siya sa katawan ko or ni hubby then bubuhatin niya katawan niya patayo pero hindi niya itutuloy hanggang luhod lang po siya. Para po kasi natatakot siya tumayo e. Ano po dapat gawin? Meron po ba nakakarelate dito? Ilang months po si baby niyo ng natuto gumabay at tumayo mag-isa? Sana po ay masagot niyo! Maraming salamat po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

my daughter sis ng walk sya at around 1yr 3mos... palaging up and down sa bed and sofa before she reached 1. we assisted her when she tried to stand. if madapa, wait lNg kami if tatayo sya. sa loob ng bahay lng kami ng practice sis at barefoot

5y ago

Si baby ko po ayaw niya talaga tumayo e tuhod po ginagamit niya instead na paa. Kaya ending luhod lang po ang ginagawa niya. Kapag itinatayo naman namin siya sa crib and dun pinapagabay umiiyak naman po siya sa takot yan po yun nakikita namin reaction ng face niya. Siguro kulang lang po sa practice. Thank you po sa pagsagot.

VIP Member

Baby boy po ba? Alam ko kasi late bloomer talaga pag lalaki, ganun kasi yung pinsan ng anak ko, 1 year old na mahigit natuto maglakad, anak ko baby girl 11 months palang nakalakad na siya.

5y ago

Yes po boy po siya. Yan nga po ang sabi ang iba. Kaso kahit tumayo at gumabay mag isa hindi pa po niya magawa pano siya matututo maglakad.