Turning 1 year old na po this week si baby pero hindi pa marunong tumayo at gumabay on his own.

Hello po nagwoworry lang po ako sa baby ko na mag-1st birthday na this week. Bakit po kaya hindi pa siya gumagabay at tumatayo mag-isa? Diba po dapat bago pa mag 1 year old marunong na? Kahit sa crib niya ayaw po niya humawak para dun gumabay. Kapag nasa bed naman po kami from dapa tataas siya sa katawan ko or ni hubby then bubuhatin niya katawan niya patayo pero hindi niya itutuloy hanggang luhod lang po siya. Para po kasi natatakot siya tumayo e. Ano po dapat gawin? Meron po ba nakakarelate dito? Ilang months po si baby niyo ng natuto gumabay at tumayo mag-isa? Sana po ay masagot niyo! Maraming salamat po.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baby ko din 10 months na pero ayaw pang gumabay.... tamad din umupo.... pero straight na tumayo....taob at tihaya master n nya pero pa atrass ang gapang.... start palang din mag ngipin.... may late lang tlga.... pero nakakatulong din yong massage sa baby... ask pedia din kung ano dapat gawin para tulungan si baby sa development nya.... after lockdown pag safe ng lumabas need mag paschedule sa pedia para macheck health at development ni baby

Magbasa pa

Kanya kanyang pace yan mommy. Bigyan mo siya ng opportunity magpractice pero wag mo pilitin and wag mo rin i-walker (di na to advisable kasi delikado). Relax lang. as long as other milestones naman nammeet niya, normal pa yan.

5y ago

Namemeet naman niya po yung ibang milestone. Dun lang po talaga sa pag gabay at pag tayo mag isa ang hindi po. Kaya naman po niya e parang natatakot lang siya. Kasi kapag pinapatayo namin siya nakahawak like sa upuan nakakatulay po siya. Pero yung siya mismo ang magtatayo sa sarili niya hindi niya po magawa. Siguro take time nga po at wag magmadali at pilitin magagawa din po niya. Thank you po sa pagsagot.

Sis hindi lahat ng bata same...wag icompare ang anak sa iba... May advance may delayd talaga....if ur worried talaga seek medical advice to acess the baby

Mamsie every morning moh e helot2 poh paa Ni baby pra po ma stritch Yan poh ginagawa namjn sa pamangkin ko at 11.5 months nakapaglalakad na si baby namin

Hindi po pare pareho ang milestone ng mga babies natin, mommy. Tiwala lang lalakad din yan. Guide mo lang po siya.

VIP Member

ok lang yan sis ganyan din baby ko noon di marunong tumayo at gumabay at isa pa lang nood ang kanyang tooth

VIP Member

Normal lang po iyan ..baby q ata mag 2 yrs na bago nklakad wait mo lang mommy mkakalakad din po sya😊

I walker nyo po sya. . para masanay po sya mag isa at para ma exercise po nya yong paa nya.

Nong baby po cia sinanay nio ba na lagi cia karga?hinihilot po dapat legs nia.

5y ago

Kaya po hindi pa nkakalakad yan gawa po mahina pa mga paa nia,hindi dapat kinakarga ang baby lagi.hilutin mo lang every morning,kung may walker kayo pwd mo lagay para matuto cia maglakad mag isa😊

Hndi parepareho ang mga bata..hntayin mo lng po