Nakakatakot moms
Hi po momshies. Sino po ba dito nakaranas ng kakatakot na ngyari like meron po na aswang na tinatawag dahil buntis nakaexperience po ba kayo ? Kasi ako oo merong mabahong amoy sa tuwing umaalis si mister ko at ngayon nilagyan namin ng luya yung windows namn at ayun nawala ang malansang amoy... Ano po inyong experience?#1stimemom #pregnancy
ako sis 7 months na kasi tiyan ko at nung mga 4 months yata pa si baby sa tummy ko sa bubong namin may naglalakad na parang tao as in tapak ng tao imposibleng pusa kasi grabe yung tunog ng bubong namin. sa taas kasi ako natutulog at may bintana ako sa kwarto at maliit lang kwarto ko sa lapag lang ako natutulog di ko naman iniisip na aswang pero naniniwala ako na tao yon. tapos sabi nung pinsan ko nakaranas daw siya na aswangin ganon sa bintana may kumakaluskos kaya nag lalagay siya ng itim na damit o tela or anything na itim sa tummy niya para di makita ng aswang kasi pati mama niya raw naramdaman eh while pregnant pinsan ko kasi natutulog yata sa same na kwarto. tapos yon sabi ng mama ko mag suot o lagay ako ng itim na damit o tela sa tiyan ko mga 6 months ako nag start at so far wala na akong naririnig na yapak ng pusa na parang tao sa bubong namin. dati kasi parang halos gabi gabi yon. legit to ah. basta nag lalagay ako ng damit sa tiyan ko binabalot ko lang kahit mainit tiyaga lang wala namang mawawala eh tsaka mahirap na diba?
Magbasa payes, naexperience ko na din yan mommy. kitang kita ng mata ko sa bubong namin. aninong tao siya pero ang hugis niya ipis. palagi po yun gabi gabi nag kkuskos sa bubungan namin pag gising ko sa umaga puro buhangin ang kama namin. tas yung papa ko bantay sarado kasi tuwing 8pm may nag sisipol tapos pag labas nya ng bahay lilipat yung sipol. naguungul pa ang alaga naming aso non. may time pa na lagi naglalaglagan yung bunga ng balete na puno sa tabi ng bahay namin noon. pero iba kasi yung tunog nung nagbabagsakan na parang maliliit na bato sa tigas. nakakatakot. may one time pa nga na nakita ng asawa ko naalimpungatan siya pero di kasi siya naniniwala dahil iglesia. ayun tinulugan nya lang hehehe. luckily dito sa nilipatan naming bahay wala pa ako naeexperience now that im at my 4th month of pregnancy. ps: may uwang po kasi ang kisame namin noon at duon sa uwang na yun ay may butas na bubung. dun po nakita ng asawa ko kala niya ibon na nagsisiksik sa butas
Magbasa paNung bata pa ako naranasan namin yan nung buntis ang mama ko sa sumunod sakin.. may ibon talaga na nagkalkal sa bubong sa kwarto ng bahay namin, sa sobrang takot nilagyan namin ng bawang at asin ang lahat ng bintana at pintuan namin at pinalibutan pa namin yung higaan namin ng mga kumot.. ngaung preggy ako hindi ko naman na naiisip yan kasi modern day na, pero dahil nabasa ko tong post na to, bigla akong natakot..lagi kasi ako na cr ng disoras ng gabi tas dadaan ako sa sala na always bukas ang bintana, pero may screen naman..basta pray na lang po tayo palagi para sa kaligtasan ng mga baby natin..🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Magbasa panung 1st trimester ko laging may sobrang lakas na kalabog sa bubong namin 2nd floor ako natutulog .. then sav ng kapit bahy namin may nakita syang tao na umakyat kaya sinundan nia pag kakita nia pusa na un nandon . imposible na pusa ung kumakalabog dahil ung katabi namin bahay 3rd floor kami 2nd floor tad katabi namin 1 floor lang bahay .kaya kung pusa un at tatalon lang di ganun kalakas impact at 3 kapit bahay namin un nakakita dun at sabi baka tiktik. nasa manila po kami di pa rin alam ng mga kapit bahay nun na buntis ako nalaman lang nila nung nagtanung byenan ko kung naririnig nila kumakalabog
Magbasa paone time nakalimutan namin iclose yung bintana sa kwarto. around 2am nagising kami kasi grabe yung tahol ng mga aso at my naririnig kami na kaluskus sa roof namin. nahirapan ako bumalik sa pag tulog at medyo sumasakit puson ko. Ginawa ni hubby kumuha sya ng itim na tela at nilagay sa tummy ko. Sinerado nya yung bintana at nagdasal kami. ayun nawla na rin naman at naging habit ko na maglagay ng itim na tela sa tummy
Magbasa paHello moms. kami dito sa probinsya meron ganun. pagwala c mister mo yung hinubaran nya na damit o sinuot na niya ilagay mo sa tiyan mo kasi nababahuan yan sila pag damit ng mister natin. ako kc palagi wala asawa ko .kaya yjn ginagwa ko at palagi ako ngdadamit ng itim tuwing natutulog ako kasi hindi daw yan nila nakikita baby natn sa tummy. tas lagi pong nakatagilid kung matulog wag po nakatihaya ☺😊
Magbasa padapat may bawang ka lageh sis kahit sabihin natin na di tau nakakakkita ng aswang ,wag ng antayin na maaswang baby natin ,aku mula ng malaman ku na buntis aku may bawang na aku nakalagay sa damit ku hangang ngayun mag 7 months na tummy ko ,takot talaga aku at ayaw kung maranasan ung inaswang ,kahit hindi kupa yan nakikita yang aswang ,mas maigi maging safety kisa kikilos kna kung anjaan na
Magbasa paTotoo yan, buntis ako now di ko naranasan pero yung ate ko naranasan yan kaya lagi sila may bawang and asin sa pinto pati yung buntot ng pagi nakalagay malapit sa pinto. Sabi naman sakin ng lola ng asawa ko eh lagyan ko lagi yung tiyan ko ng red na tela/damit pag matutulog.
Opo, naranasan ko yan. Meron pa nga po yung ginaya yung asawa ng kawork ko. Boses pati pagkatok sa pinto, nakaboarding house lang kasi kami nun. Grabe tapos lagi may nakalabog sa bubong napakalakas.
hindi pa po ako naka ranas pero naniniwala akong may aswang di kasi normal na biglang may malangsang amoy tapos biglang may tutunong sa bobong na di naman normal