3 months old baby
Hello po mommy. Ask ko lang po. Yung baby ko kasi na 3 months hindi pa naitatayo ng maayos yung ulo niya. Triny ko rin pong padapain siya pero wala po talaga. PS. Premature po yung baby (36 weeks nung ipinanganak and has a low birth weight until today, around 4.9kls) Thank you sa sasagot. Please respect my post.

continue nio lang po ang tummy time. -sa dibdib nio po muna gawin ang tummy time. -pwedeng buhatin ng patayo, ung normal na buhat sa bata, suportahan nio lang ang leeg. hindi naman po parepareho ang mga babies sa milestone or development. sa 1st born ko, nakakadapa na at 3 months. sa 2nd born ko at 6 months pa. si 2nd born ko, nakayuko lang sia pagnakadapa. pero habang tumatagal, inaangat din nia ulo nia. mukhang nahihirapan sia kapag tinitingnan ko sia pero ginagawa nia. hindi ko pinapatagal, ilang minutes lang naman. eventually, kaya na nia. nakalakad sia before mag 1 year old.
Magbasa pagive her time ..wag po madaliin lalo premie pla nung naipanganak..
Opo. Pero nakikipag-usap na po siya