Required po ba ang OGTT?
Hello po mommies, required po ba ang ogtt? Ano po pwede mangyari if hindi nag pa OGTT? Salamat po! #1st_pregnacy #ogtt
Required po talaga.. At mas maganda magpa OGTT mi meron history sa family o kahit wala sa diabetes mas maganda malaman mo kung normal sugar level mo while pregnant.. Mahirap na baka di mo alam na diabetic ka na pala habang nagbubuntis mas maganda macontrol habang maaga kaysa hindi napakadelikado nun kay baby kung uncontrolled ang GDM
Magbasa paKung pinapagaw po ni OB, for her, required po. Actually prone kasi sa diabetes pag buntis, kaya maganda na ipagawa na lang po ninyo, mamomonitor kasi dyan kung mataas sugar nyo and di po kasi okay for the baby if mataas ang sugar at di madetect..
depende sa ob, sakin ni required at mataas yung result sa gusto niya na result lng sana ng test kaya pina diet ako then pina ulit ang test kasi meron standard c doc ko sa result for safety daw namin n baby.
kung ni required po kayo ni OB, ipagawa nyo po momsh. kase may purpose naman po bakit nya kayo ni required. uncontrollable sugar may affect your baby's health po.
Depende po cguro s mga ob.. Pero po ako pinag OGTT at lahat ng labtest ng ob ko para safe at makita daw po nia lahat.. Kht ok nman po ang mga labtest ko.,
Routine check yan sis Pero yung OB ko hindi ako nirequire kasi Nakita naman nya na normal yung weight gain ko and Wala din history of diabetes sa family.
sa eldest ko hnd nirequired ng OB ko. Depende kasi sa OB yan sis. if alam mong may family history jayo ng diabetes much better pagwa mo or inform ur OB
alm ko oo.. kktpos ko lng nyan mhie.. pra mcheck sugar mo.apektado c baby pg mataas result.. 3x ka kukunan ng dugo.. and uulitin pg di ok sugar mo..
No pero mas okay ipagawa lalo if you have a family member na may diabetes din and if alam mong ang lakas mo sa sweets ganon.
hindi pa naman pinarerequired ng OB sa akin. ang FBS ko kc ay 80 last laboratory. inaantay ko nga na ipa OGTT din ako.