Prenatal checkup
Hello po, mommies! Meron po ba ditong nagpapacheckup sa OB sa private hospital and lying-in clinic ng sabay throughout ng pregnancy? Sa experience ko po kase, yung OB ko sa private hospital nung first checkup ko sa kanya after ko malaman about my pregnancy, ni-require nya lang ako magpa-transv ultrasound at niresetahan ng folic acid. Tapos, balik na lang daw po ako after one month. So after 1 month po bumalik ako (last Thursday po yun). Hindi sumipot si OB kase may operation daw po. Tapos August 12 na daw po ang next checkup. Naiinip po kase ako maghintay ng August 12 kase wala pa po akong mga labtests. Kaya po pumunta ako sa isang lying-in clinic dito sa malapit. Libre lang po yung checkup pero yung mga vitamins at labtests po may bayad na. Okay naman po so far yung lying-in clinic. Mabilis yung process pati binigyan din po agad ako ng referral for labtests at reseta for vitamins at gatas. Ngayon po, tanong ko lang kung meron po ba ditong same situation ko na may backup plan kapag prenatal checkup? Yung kapag po Hindi available yung OB sa private hospital may pinupuntahang ibang lying-in clinic. Paano n'yo po hinahandle? Alam po ba nung OB and clinic na meron pa po kayong ibang pinagpapa-checkupan? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby #firstmom