Discharge
Hello po mommies, first time mom here & I'm on 25th weeks of pregnancy na. Question po kung naeexperience niyo po ba yung nilalabasan ng white vaginal discharge na parang sipon na malapot yung texture? (sorry sa term). Normal po ba yun? Lately kasi marami yung lumalabas and may time na hinuhugot ko pa sa siya sa pwerta ko, hindi ko sure kung normal yun or hindi. Hindi pa ako nakapagpacheck up kaya di ko matanong sa Ob ko. Thank you in advance po sa answers. Stay safe po mga kamommies. 🙂