Baru baruan and onesie
Hi po mommies. Ask ko lang po sana gano katagal gumamit nga baru baruan babies nyo? Pati po ung mittens, bonnet, at booties? At kelan nyo po sya sinimulan pasuotin ng onesie? I’m buying things na po kasi for my baby. Kaso di ko alam gano po karami bibilin kong baru baruan at kung kailangan na din na bumili ako ng onesie. Ftm po. Sana may makapagbigay po ng advice. Salamat po.
Baru baruan at mittens 1mo. Bonnet sa hospital lang. Saka pag umaalis ng gabi. Booties saglit lang, nagswitch agad kami sa medyas. Then 1mo lang din di ko na pinag medyas. If tamad ka maglaba or walang maglalaba for you medyo dagdagan mo. Wag ka nalang bumili ng mga branded na mamahalin. Makakabili ka ng mgw 3 for 100 lang. Ako kasi non ang dalas ko na maglaba dahil automatic naman pero nauubusan pa din sya ng malinis haha. Syempre pg pawis papalitan mo, pag nalungadan or natapunan ng milk, pag nagleak wiwi or poop. Kelangan lagi ka may extra. Tapos sa gabi syempre papalitan mo din bago matulog. Siguro sa isang araw min of 3 baru baruan kami. Kaya kung example 6 lang baru baruan namin, good for 2 days lang 😅 pero nasasayo naman din mi. Sadyang gusto ko lang lagi malinis si baby 😅
Magbasa paLess than one month sa barubaruan. Mahaba kasi si baby kaya naging croptop agad sakanya, though kasya pa naman. 🤭 Bonnet never nagamit, inaalis nya, kahit sa hospital di kinailangan, nung mismong day lang na pinanganak ko sya nagamit pero nagcacap pag aalis. Mittens suggested is two weeks lang ipagamit. Booties saglit lang, mas gamit ang socks. Wag masyado madami kasi mabilis lang liliitan pero need agarin ang laba since magastos sila sa damit lalo pag lumulungad. Onesies usually pag aalis lang. Most of the time sando gamit ni baby, lalo yung aircool kasi mainit. Pang 3-6 or 6-9 months na binibili. One month pa lang si LO ko ngayon. Haha. Good luck mhie. Enjoy the journey. 🩷
Magbasa padepende sa panahon kung kelan sila pinanganak o ipapanganak, katulad po ng panganay ko Summer pinanganak super init po talaga at wala pa rin kami aircon nung panahon na yun. Paglabas ng ospital po nakabaru-baruan sya pag-uwi wala pang 1 whole day sa bahay tumaas na temperature kaya ang recommendation ng pedia nya sando at pants na wag na magbaru-baruan na longsleeve. Ang mittens at booties naman po kung kaya mo na putulan agad ang kuko pede na wala yun para lang naman protection yun sa scratch ng nails sa balat. Yung Bonnet ayaw ng panganay ko naiirita pag may ganun kaya hindi po sya nakapagbonnet ng matagal talaga halos ilang days lang sa ospital.
Magbasa paHi miii .. Since, petite na mahaba ang baby ko nung pinanganak ko sya. Hanggang 3mos. nakapag baru-baruan sya, yung dami combine ng nabili kong 6pcs. long sleeves & short sleeves plus yung sa mama ko kaya medyo nakatipid ako kumbaga dinagdagan ko lang yung meron sya even sa mittens, booty, bonnet & pajama. December ako nanganak so malamig ang panahon kaya better na madami para ndi mauubusan agad ng maisusuot si baby kahit Masipag naman kami maglaba nun nauubusan pa din. 4mos. nag start na akong mamili ng ibang clothes para sakanya like onesie.
Magbasa paAng binili ko mii 12 pcs tiesides at 12 din sa pajama . mga 3x kase kung papalitan at ifreshen up the whole day ang kapatid nya nung newborn pa, lalo ngayon tag ulan kahit na matic ang washing baka maubusan ng susuotin 😅 Di baleng sobra wag lng kulang d rin kase agad agad naglalaba😅 baka maipunan hehe
Magbasa paYung barubaruan ni baby 2 months ko pinagamit sakanya yung mga mittens and booties 1 month lang and advice ko lang po kunti lang bilhin mong barubaruan kasi mabilis lumaki ang mga babies ngayon Pinag onesies ko si baby 1 month palang para di puro barubaruan ang suot 😊
Yung barubaruan 1 1/2 month ko sa kanya pinasuot. Yung mittens 1 month, booties and yung bonnet mga 2 months. Kung bibili ka mi ng mga onesie, I suggest deretso ka na sa 3-6 months. Mabilis kasi lumaki mga baby hehe
1 month kang ako gumamit ng barubaruan, mittens at booties at 2 months nag onesie at socks na baby ko di na kasi kasya sa kanya mga barubaruan hehe yung mittens diko na ginamit alagang na lang sa pagfile ng nail
sa experience ko kay baby, 6pairs lang binili kong tie-side at pajama + yung mittens at sicks since nanganak ako start ng summer (march) at more onesies na.. 1st 3weeks lang namin pinagbaru baruan si baby.
sa experience ko kay baby, 6pairs lang binili kong tie-side at pajama + yung mittens at sicks since nanganak ako start ng summer (march) at more onesies na.. 1st 3weeks lang namin pinagbaru baruan si baby.
Rainbow momma