Breast Pump in Advance

Hello po, mga momshie pwede po bang mag pump in advance like 9months pregnant para alam ng body ko na nagdedemand na ako ng milk para paglabas ni baby may gatas na po agad? Ang worry ko kasi baka pagkapanganak ko wala akong supply ng gatas for baby (First time mom po)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Not recommended po ang magpump before 6 weeks post-partum para maiwasan ang oversupply and mastitis. Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Paglabas po ni baby at ng placenta, it will automatically signal your body to produce milk, basta ilatch lang agad si baby. Konti lang po talaga ang milk sa simula dahil ga-calamansi pa lang ang stomach size ni baby. Remember na ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)

Magbasa pa
8mo ago

Thank you ☺️🤍 your information really helps po Will do join this sa group na ito