IRREGULAR PERIODS

Hello po! ask ko lang po kung ano po bang ibigsabihin ng mga nararamdaman ko. Irregular po ako at madalas 3 months na po bago ako ulit kung reglahin, pero Nov. 2021 hanggang Feb. 2022 tuloy tuloy po ang regla ko na ikinagulat ko kaya buong akala ko is regular na ako rereglahin, tas napansin ko nung katapusan ng March is hindi na naman ako dinatnan hangang ngayon. ngapala Mababa din po pala matres ko, At may mga nararamdaman po ako na hindi ko po maintindihan katulad ng; pagsakit ng puson o tiyan ko minsan nararamdaman ko na parang may gumagalaw na hindi ko po maintindihan kung kalamnan ko ba yun tas minsan biglang may something na pumipitik sa tiyan ko. biglang pagkangalay ng balakang ko, minsan sumasakit yung puson ko na parang rereglahin ako kapag masyado akong napagod. hindi ko po alam kung buntis ba ako or hindi ayoko nama po kaseng isipin na buntis ako tas hindi naman pala.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pacheck up ka po. Baka me PCOS.