Mommy ganyan din kami ng asawa ko kaming dalawa lang, nasa ibang lugar ang mga closest relatives tipong 3hrs away. Sobrang awa ko sakanya dahil asikasong asikaso nya ako nung nanganak ako sa lying in, wala syang masyado tulog at dahil may mga gamit kaming kulang, on my 3rd day pinatulog ko muna sya at pinabantay kay baby habang ako sumaglit sa sm bumili ng kulang na gamit. Pinapaligo din agad ako ng ob ko bago umalis ng lying in, a day after giving birth, nakapag wash ako ng buong body and on my 3rd day nakaligo nadin ako Luke warm water at sinunod ko lang post partum care na tinuro saakin ng ob. Di po ako mapamahiin di ako naniniwala sa binat, pero sa ppd oo. This is my own experience, walang kahit sinong nag assist saamin bukod saamin dalawa ng asawa pero handful pa din ang newborn, if feeling mo po kaya mo na go lang. Basta mag hinay hinay lang sa galaw wag masyadong biglain ang sarili lalo na sa mga mabibigat na gamit or gawain. Same din po tayo ang laki din ng baby ko kaya may tahi ako pero all is well naman ako for the past 4 years wala pong complications at din ako "nabinat" despite me doing everything na against sa custom, I am also on my second Baby that I plan to deliver through water birth despite, them saying nakabinat at nakabaliw ang maligo pagkatapos manganak. Kaya mo yan mommy!
Magbasa pa
Mom of 2 girls. A toddler and a baby