13 Replies

TapFluencer

Mommy ganyan din kami ng asawa ko kaming dalawa lang, nasa ibang lugar ang mga closest relatives tipong 3hrs away. Sobrang awa ko sakanya dahil asikasong asikaso nya ako nung nanganak ako sa lying in, wala syang masyado tulog at dahil may mga gamit kaming kulang, on my 3rd day pinatulog ko muna sya at pinabantay kay baby habang ako sumaglit sa sm bumili ng kulang na gamit. Pinapaligo din agad ako ng ob ko bago umalis ng lying in, a day after giving birth, nakapag wash ako ng buong body and on my 3rd day nakaligo nadin ako Luke warm water at sinunod ko lang post partum care na tinuro saakin ng ob. Di po ako mapamahiin di ako naniniwala sa binat, pero sa ppd oo. This is my own experience, walang kahit sinong nag assist saamin bukod saamin dalawa ng asawa pero handful pa din ang newborn, if feeling mo po kaya mo na go lang. Basta mag hinay hinay lang sa galaw wag masyadong biglain ang sarili lalo na sa mga mabibigat na gamit or gawain. Same din po tayo ang laki din ng baby ko kaya may tahi ako pero all is well naman ako for the past 4 years wala pong complications at din ako "nabinat" despite me doing everything na against sa custom, I am also on my second Baby that I plan to deliver through water birth despite, them saying nakabinat at nakabaliw ang maligo pagkatapos manganak. Kaya mo yan mommy!

Ingatan mo ang Tahi mo my, ako po ang ni reseta saakin pang linis ng sugat e betadine wash. Kasama na po yun pp care na sinasabi ko. Part din po nun is pag take ng vitamins, make sure din po lagi clean ang Tahi, fruits, sabaw at gulay. Wag ka lang muna mag buhat ng mabibigat my, pero if kaya mo na po ang other basic gawain like hugas, konti linis go ka lang po.

Siguro sa pag bubuhat Mi, hinay hinay lang. Sa pag ligo naman, as per OB pwede ka naman na maligo right after manganak. Ako kinabukasan naligo agad ako kasi feeling ko ako pa mag dadala ng anak ko ng sakit pag di ako naligo. Haha! Ako din ang gumagawa ng mga dapat gawin, pag ligo sa baby, pag hugas ng bote. Nasakto kasi paglabas namin ng ospital, nagka to tonsilitis si hubs kaya wala ibang gagawa ng mga yon kundi ako. Kung may go signal ka naman ni OB, sige lang. Advice din pala niya na wag mag langgas, at wag warm water ang ipang hugas sa ari. Tap water at betadine lang sapat na.

ako po cs sa 1st baby ko after after 2days na nakaanak ako pg uwi nmin sa bahay dretso linis ng kwarto at laba ng mga damit ni baby. dahan dahan lang ang kilos wag bibiglain ang katawan kc di biro ang manganak. wala nman problema kng gumawa na basta mag ingat lagi.. saka ligo na po kayo. mas nakakafresh ng pakiramdam.. ingat po

mommy ko nung nanganak sya wala oa one week nagluluto na sya, basta daw po di ka masyado mababasa at wag magbubuhat ng mabigat. kung magpapaligo po kayo ng bata wag nyo nalang po masyado tagalan para si kayo mababad. basta alam nyo pong kaya nyo pwede po pag masyado ng mabigat house chores wag nalang po muna

kung kaya mo na sis pwd naman pero hinay hinay ah kasi sbi mo msakit pa tahi mo. Pwd ka na maligo sis basta warm water wag muna malamig. Alam ko mahirap pero tiis lang sis lalo si hubby mo need magwork pra makaraos kayo. Gawa ka ng daily routine nyo sis.

ako nanganak via CS nung October 12... diretso ligate!😅 ...1week palang naglaba nako. tsaka nagkikilos. dahan2 lang.wag pwersahin... pag napagod pahinga. pag masakit tahi, tigil muna. ikaw naman makakaalam kung ano kaya ng katawan mo eh. 🙂

Mararamdaman mo naman yan kung kaya mo na eh, ako cs 2weeks palang nakakapag mall na haha pero nakabinder. bsta iwas ka muna sa mga gawain na need ng yuko or force, tulad ng pagwawalis para ndi mabanat ung tahi mo.

hinay hinay lang po para d magbuka ang tahi.. hwag mag bubuhat ng mabibigat.. ganyan dn po ako 21 days palang ako naglaba na ako😅😅 may work dn si hubby na aawa kasi ako sa kanya pagka uwi niya na pagod😁

Wala nmang binat. As long as may tama kang pahinga and healthy ang kinakain pwedi knang gumalaw galaw. 1 week di pa naliligo dapat nkaligo nka dapat proper hygiene pa din

TapFluencer

hinay hinay Lang po mi bka po nabigla ung katawan mo mahirap din po magkasakit Ka. it always takes time to heal para SA mga bagong panganak. magvitamins Ka rin mommy

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles