Hello po mga sis, hihingi po sana ng payo o mabuting gawin..
kaka27 weeks ko po ngayon.. napansin ko po, from 23-25 weeks ko, maggalaw po si baby at madalas ko rin maramdaman yung sipa niya.
pero napansin ko, since last week, nararamdaman ko tumitigas tyan ko pero yung pag sipa o biglang pitik sa tyan na dati kong nararamdaman, wala.
worried ako, tagtag kasi ako sa trabaho, hindi ko alam kung pagod lang ako sa buong araw kaya hindi ko na siya maramdaman sumisipa o kung ano na?
pansin ko rin na madalas ako magising sa gabi(11pm,2am,5am) para kumain dahil nakakaramdam ako ng gutom, ngayon po deredretso na tulog ko at magigising nalng ako sa umaga na.
ano po sa tingin nyo?