Position At Laki Ni Baby

Hello po mga momsh! Nagpacheck up po kasi ako sa lying in kahapon. Dati po sa clinic ng doktor po talaga ko nagpacheck up kaso delikado kasi malayo din kaya nagtry ako sa lying in na malapit samin. Ang sabi po dati ng Ob na nagcheckup sakin may 28 daw po ang due date ko. Pero netong nagcheck up ako ngayon sa kumadrona binase nya talaga sa utz ko po ang due date ko na June 17, kasi daw po maliit si baby ko. Ayun daw po ang sundin ko kase mas tama daw yung utz ko daw po. (6 months po tyan ko sa last na utz ko). Naguguluhan po kasi ako. Ano po ba dapat kong sundin? Tska nagwoworry din ako kasi feeling ko tranverse lie pa position ni baby base sa nafifeel ko na sipa nya (sa right side ng tyan ko na mejo taas feeling ko yun yung paa nya, tska left side minsan nagalaw din feeling ko pag susuntok sya) nararamdaman ko din po yung sinok nya sa left side ng puson ko. Tingin nyo po mga momsh? Ano na position nya? Di rin makapagultrasound kasi po walang bukas na ganon dito samin. Sorry po dami ko tanong at mejo magulo kwento ko. Ftm din po kaya mejo matanong ako huhu sorry po talaga.

Position At Laki Ni Baby
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako sa gilid ko din na fefeel dati yung mga galaw ni baby, left and right pero nung nag ultra sound ako normal naman position ni baby.

4y ago

Pang ilang weeks nyo po nararamdaman yung sa left and right na galaw nya po momsh?

Utz meaning ultrasound. Yung pinaka una ultrasound ang sinusunod.