Infection or not?

Hello po mga momshies! Naguguluhan lang ako kasi sabi ng ob ko normal daw 'tong urinalysis ko pero ang taas ng pus cells :< Nababahala lang ako. Huhuhu sana may makasagot kung normal ba talaga to? Or baka hindi lang napansin ng ob ko yung pus cells :< Thank you po. #1stimemom #pregnancy

Infection or not?
18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

momsh, pag inulit mo ung sa urinalysis mo. Ung sa gitna lang kunin mo. Wag ung sa simula at hanggang dulo ng buhos ng ihi mo kasi makikitaan talaga ng bacteria un. pag ihi mo, ilabas mo muna ung una, then ung isahod mo after mo maipalabs ung una tapos pag feeling mo matatapos ka na, alisin mo na ung cup hanggang sa matapos ka na umihi 🙂 again, simula at dulong wiwi mo, wag mo isasama sa cup for urine testing

Magbasa pa
3y ago

yes po, actually bumuhos muna ng ilang seconds ihi ko nyan mamsh bago ko sinalo ng cup :< gusto ko nlang ulitin tlga mag pa urinalysis kasi baka hindi accurate, pero nacconvince din ako ng inner self ko na baka nga meron tlga akong uti since madalas din manakit yung balakang ko :<

Ako po nung nagpa urinalysis sa center ang pus cell ko po ay 10-12 pinagalitan ako ng midwife kc mataas daw infection ko 😥😥😥, after a month ko pa kc pinakita pag balik ko, kaya pinaulit, pag mataas pa din daw refer ako sa doctor sa center, buti na lang nasa 1-2 n lng nung inulit

subrang taas. pAg ganyan ka taas pinapagalitan na ng midwife or Ob haha, pwede ka dw ksing mag labor nyan ng wala sa oras or paglalabas si baby malilipat sa kanya ung infection. kaya mas better magpacheck up kna agaad para mabigyan ng antibiotics.

3y ago

ayun nga po mamsh, kasi ako nagtaka rin nung snabi nyang normal daw yung result ko, ititext ko nlang nga siya or itatry ko nlang ulitin yung urinalysis ko since nung kumuha ako nyang urinalysis e kasabay ng 75g ogtt ko't nhirapan tlga ako magbigay ng sample nun kasi after ko pa matapos yung sa 75g ogtt ako nkaihi nung nakakain na ako.

Mga mamsh salamat po sa pag sagot! okay na po nainform ko na po yung ob ko and punta daw ako't reresetahan daw po niya ako itong monday. I'll try to repeat na rin po yung urinalysis ko to make sure. Thank you po mga mamsh.

VIP Member

Opo mamshie😔 mataas nga po. Baka na over look ni OB🥺 ok lang naman po na inform nyo uli si OB about sa result. Better late than sorry mamshie lalo na UTI madaming pwede mangyari sa inyo ni baby pag di naagapan🥺

Hello mga momsh!! eto na yung result ng second urinalysis ko hehe sabi na malakas kutob ko na baka nagkataong hindi maayos pagkakakuha ko ng ihi ng araw na yan na umabot ng 60-70 pus cells na sobrang taas 🤦😂

Post reply image
3y ago

3-5 po pus cells ko and sinearch ko po sa google normal nman daw since sa babae 5-7 normal pa.

Inform nyo po ulit yung doctor nyo mommy. Masyadong mataas yang pus cells mo sa urine. Or repeat po kayo urinalysis nyo to make sure po. Midstream po ang saluhin/kalagitnaang ihi nyo po.

3y ago

Yes po pwede po 😊

25-50 ang Pus cells ko mataas na daw po yun kaya niresetahan ako ng Antibiotic. try mopo ulit mag pacheck ng ihi baka nagkamali lng.

HALA MOMSH INFECT NA ATA YAN SAU KASI ANG TAAS NG PUS MO,sa PUS kasi chinecheck kung MAY UTI KA OR WALA

Infection yan. Better consult po again sa OB or different OB for antibiotics