Joint Pain sa Kamay

Hello po mga Momshies, Ask ko lang po if meron din sa inyong naka experience na hindi matupi yung mga daliri kasi sobrang sakit nya. Im 32weeks preggy and first baby namin ng hubby ko medyo nabother lang ako kasi tuwing nagigising ako sa gabi dun ko nararamdaman yung sobrang sakit nya. TIA.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka mga crampings yan mommy. Pag palapit na talaga ang D-day marami ka ng mararamdaman na ngalay and cramps. Basta ang babantayan mo lang ung balakang mo, puson mo and legs. Pag yan sumakit na, magready kana. Nung sumasakit balakang ko nun, 1cm na pala ako. Pero naCS din ako kasi matagal ung pagprogress ni baby hanggang sa nagrapture nalang ung water bag ko hehe

Magbasa pa

Carpal tunnel syndrome po yan mommy. Sa nerves po naten yan, may kaugnayan sya sa pagbigat naten po dahil preggy tayo. Talk to your OB para maresetahan ka po ng gamot na pwede mo i-take para jan. Usually vitamin B complex ung need na inumin pero mas maganda galing pdin sa OB mo po.

5y ago

B complex ang Neurobion. Hope gumaling na CTS mo mommy, kakastress din kasi yan lalo pag masakit.

I thought sa pag tulog ko lang sumasakit jointd nang kamay. Lalo na pag napipiko yung fingers. Carpal tunnel pala? Pero nawawala namn pag nagagalaw ko mga kamay ko. Pero sis ask ur ob para sure. Ill also consult mine.

Kung hindi ako nagkakamali carpal tunnel syndrome yan mamsh. Ganyan din ako tuwing gigising ako hindi ko maigalaw mga daliri ko.. Same tayo 32 weeks pero 2nd trimester pa lang nag start na sa akin.

Pareho po tayo Sis... Ang sakit pagkagising sa umaga, pero pag nagamit mo naman na mga kamay mo medyo nawawala

VIP Member

Same here mga 36 or 37 weeks ko naranasan yan. Nawawala naman once maigalaw so hindi naman nakakabahala.

yes po ako sa umaga pag gising both hands ko. kaya hinihilot ni hubby kamay ko para mawala..

Ganyan din ako dati momsh nung buntis ako. Pero nawala rin some time after nanganak ako. 🥰

Yes nararamdaman ko yan ngaun after ko manganak. Ask ur ob if pwede sau ang neurogen e

VIP Member

Same tyo , halos hndi na matupi lalo na pag gising sa umaga .