PREGNANCY JOURNEY

Hello po Mga Momshies. 2 nd pregnancy ko na po ngayon 1st Baby ko si 6 years old na at ngayon palang nasundan 🥰🥰 23 weeks at 1 day na po si Bulilit sa tummy ko ngayon wala naman pong problem pagbubuntis ko Cephalic presentation at good heartheats, accurate ang size ni baby kaso ang iniinda ko lang po kasi yung sa balakang ko hirap na ko makatayo at tumagilid ng higa kaya lagi dahan dahan ang kapag tatagilid ng higa. Sabi ng OB ko normal lang daw po yun kaso ndi ko natanong kung pwede ko po ba ipahilot kahit likod at balakang ko lang ayokong ipahilot kasi yung tiyan ko ndi daw kasi advisable yun.. Sa tingin nio po kaya pwede ko ipahilot kahit likod at balakang ko lang??

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi Po ng ob ko ok lng dw whole body sa 2nd trimester wag lang sa tummy. kya kpg Po nagpamasahe Ako para safe sa back at paa lng. iniiwasn ko ung bandang tummy. about nmn sa balakng KY hubby lng aq nagpapamild masahe pero patagilid lng Ang pwesto ko. kpg back massage nkaupo nmn Ako. ung back and foot massage Po na sinasabi ko e ung sa mga spa. 150 lng Po ung mild massage sa paa with linis kuko na. tapos ung spot massage sa back 150 lng din Kasama na kamay. huwag Po sa traditional na manghihilot kse masyado Po silang madiin magmasahe mie. mainam Po ung sa spa kse trained nmn Sila. about nmn Po sa back pain try nyo Po ung maternity pillow. nakabili ho aq sa shoppee, kht papaano may tulong sya kse may support Ang likod at harap kpg nakatagilid na higa kse pa letter u sya na unan. same pla tau. 23 weeks rn, turning 24 sa Friday. 🥰

Magbasa pa

Same tayo mi, 2nd pregnancy ko na din at 6yrs old na din si panganay. Pero ako 24weeks na, ginagawa ko nagpapa light massage lang ako kay hubby sa likod at balakang. Pahid manzanilla lang, tapos pag humiga ka patagilid lagay ka ng unan. Routine ko na din ngayon magpahid sa talampakan ng manzanilla at mag medyas before matulog. Eventually mawawala din yung sakit ng balakang at likod mo mi. Konting tiis lang.

Magbasa pa