Wala ka pong makukuha sa mat1 mamsh. Bale si mat1 po eh form ng sss na pinaikling maternity notification form1. 😅
Ikaw po mismo kukuha ng form sa pinakamalapit na branch ng sss, tapos fill out mo si form and then ipapasa mo po sa hr nyo kasama yung ultrasound as evidence na buntis po kayo. Wag nyo po hintayin mag7 months yung tiyan bago magpasa kasi ang alam ko, hanggang 7 months lang pwede iapply yun. Hr mo po mag-ayos nun kasi employed ka.
Sa mat2 naman po, makakuha din po kayo nyan sa sss mismo or may downloadable form na din po pala sa website nila both forms mat1 and mat2. Si mat2 po yung form na ipapapirma mo sa ob mo o kung sino magpapaanak sayo tapos ipapasa mo po ulit sa hr nyo after mo manganak.
Ewan ko pano procedure sa company nyo may company na nagbibigay ng kalahati ng benefits. Sad to say samin, pagkapanganak saka palang po pinaprocess.
Nicole Baluyut Tarenio