masakit amg tyan

hi po mga momshie , gysto ko po sana magtanong kun normal lang po ba magsakit yun tyan tapos maninigas. im 6months preggy po. kun meron po same sa nafefeel ko okey lang po ba ito

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Narito ang ilang kadahilanan: 1. Abruptio placenta Habang lumalaki ang uterus sa pagbubuntis, lumalaki ding ang placenta. Ito ang “life support” para sa sanggol sa sinapupunan na nagbibigay ng kinakailangang nutrisyon at pagkain para sa kaniyang paglaki. Sa ilang pagkakataon, humihiwalay ang placenta mula sa uterine wall. Kapag nangyari ito, naninigas ang uterus. Kapag patuloy ang paninigas at hindi humuhupa, kailangang ikunsulta sa doktor kaagad. Dapat na humiwalay lamang nag placenta sa uterine wall sa oras ng panganganak. Kung mangyari ito bago pa sa takdang oras, maaaring malagay sa panganib ang sanggol. Bagamat nangyayari ito sa 1.5 porsiyento ng lahat ng pagbubuntis sa buong mundo, mabuti pa ring dalhin sa doktor para matingnan ang kalagayan ng mag-ina. Sa ibang pagkakataon din, ang paninigas ng tiyan ay hudyat ng isang ectopic pregnancy, o paglaki ng sanggol sa fallopian tube imbis na sa uterus. Pero bihira ito. 2. Kumikiskis ang uterus sa tiyan Habang lumalaki ang uterus (mula sa sukat ng isang peach, hanggang maging kasinlaki ng watermelon, sa loob ng 9 na buwan), tinutulak nito ang tiyan ng ina para bigyan ng lugar ang sanggol. Sa pagtatapos ng ikalawang trimester, tumutulak ang uterus sa pagitan ng pusod at pelvic bone, at tinutulak ang abdominal musculature. Habang patuloy na lumalaki ang uterus, dumidiin din ito sa tiyan. Ang internal growth na ito ang dahilan ng paninigas ng tiyan, na minsan ay may kakambal na pagkahilo at pakiramdam na lumalaki lalo ang tiyan. 3. “Pregnancy fat” Natural lang na bumigat ang timbang habang nagbubuntis. Yun nga lang, ito ang maaaring maging sanhi ng paninigas ng tiyan. Habang lumalaki kasi ang tiyan sa unang dalawang trimester, dumadagdag ang timbang, kaya’t naghahanap ang katawan ng mapaglalagyan ng sobrang fat cells. At ang unang pinupuntahan nito ay ang tiyan at hita. Ang paninigas na nararamdaman ay maaaring dahil sa pagdami ng fat cells sa tiyan. At dahil sa patuloy na paglaki pagdating ng kabuwanan sa huling trimester, mararamdaman ang paninigas ng tiyan.

Magbasa pa

Ang paninigas ng tiyan kapag nagbubuntis ay hindi dapat ikabahala. Hindi ito abnormal at hindi rin ito nagtatagal, ngunit maaaring senyales ng kondisyon na dapat bigyang pansin. Maraming pinagdadaanan ang tiyan at katawan ni Mommy sa unang araw pa lang ng pagbubuntis. Habang lumalaki ang uterus sa loob ng siyam na buwan, nababanat ang tiyan para magkaron ng lugar para sa lumalaki ring sanggol sa loob. Isa sa pinakaimportanteng pagbabago ay ang paninikip ng buntis na tiyan, o tinatawag na Uterus Hypersthenia. Karaniwang nagsisimula ito sa ikalawang trimester, pero ang iba ay nakakaramdam nito sa ika-12 linggo pa lamang. Pakiramdam mo ay para kang may menstrual cramps, pero hindi tumatagal ito. Bakit nga ba naninigas ang tiyan kapag buntis? Sa pagpasok sa ikatlong trimester, nagsisimulang mawala ang paninigas at nagbabalik sa normal na pakiramdam ang tiyan kaya walang dapat ipag-alala.

Magbasa pa
Related Articles