Hello po mga momshie. Ask ko lang po if anong dapat gawin. Yung baby ko kasi na magtwo'two months palang bukas may time na ayaw niya dumede. Like today po, 4am pa yung last dede niya tas pinapadede ko siya kaninang 8am, ayaw niya dumede so pinatulog ko nalang muna kasi inaantok siya. Tas kaninang 10am pinapadede ko ulit siya, ayaw niya pa din dumede. Dumede lang po siya kasi pinilit namin ni mama. Parang hindi po siya nagugutom kasi hindi nman po siya umiiyak. Natutulog lang po siya, ginising ko lang kanina pra padede'in pro ayaw niya. Ano po bang dapit gawin? Medyo nagwoworry na po kasi ako. Hindi lang po kasi eto ngayon lang nangyari na ayaw dumede ni baby. Normal lang po ba ito? First time mom po.
Jiezel Gomez