Anti tetanus

Hello po mga momsh natural lang po ba yun after maturukan ng anti tetanus eh namamaga po ang braso kahit 3 days na nakakalipas?? Anu po kayang pwedeng ipang gamot?#1stimemom #firstbaby

Anti tetanus
56 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

unang turok sakin ng anti tetanus ganyan din po almost 1 week namaga di magalaw, pero nawala din hot compress lang. 2nd turok sakin 3days ko nalang halos naramdaman ung bigat tapos okay na after. ganyan daw po talaga yan.😊

oo nga masakit talaga kakaturok lang din sakin nung martes hanggang ngaun masakit pa rin kasi nabasa ko ung braso ko pg half bath ko ng gabi naka limutan ko na ininject ako kaya ayon sumakit at namaga..

VIP Member

Ako mamsh, di ko iniinuman ng gamot. normal lang namn daw na masakit after maturukan. Inaantay ko lang na gumaling. Mga after 4 days nawawala na yung sakit tsaka pangangalay.

kahapon lang ako tinurukan ng Tetanu Vaccine parang sinuntok sya😅ang bigat pero ngayon okey na. ginalawa galaw ko lang kamay ko yun lang din kase nabasa ko dito.

Ako din ganyan,Tinurukan din ako nuong 12 hanggang ngayon namamaga parin na ewan di ako masyado makatulog,taz ngayon nmn balik ulit sa center para paLaboratory

yes po days yan bago mawala yung sakit lalagnatin ka pa nga sa first day, hot compress yan after ng turok then cold compress na sa susunod na oras.

ako , kanina lng ako naturukan , first time mommy din Po ako , 7 months preggy na po ako .. ansakit dn po huhu , Ang bigat Po Ng braso ko 🙇‍♀️

4y ago

same tayo mom 😢 ang bigat sa braso

sakin po after mainject sabi ng Ob massage tas pag uwi ng bahay lagyan agad yelo para di mamaga... ayun hindi naman po sya namaga 😊

aq din momsh masakit pa din till now nung 12 din aq ng pa anti tetanus..pero normal lng nmn daw yun..ng ube nga skin till now😀

sabi sa center dapat dw i warm compress para hindi sumakit...kc 3 days dw tlga yan mararamdaman na parang mbigat at mhirap igalaw