Low breastmilk?

Hello po mga mommy. First time mom here. Minsan po kasi pag cranky na si LO 6weeks old (lalo pag gabi), ayaw na niya tanggapin ang nipple ko. EBF and Direct latch po si baby. Hindi ko alam kung dahil nauubusan na ng milk or dahil lumambot yung nipple (sa tagal naka latch, idk kung may ganito ba)? Pag pinpress ko naman yung nipple ko may lumalabas na milk. Sobrang nalulungkot ako pag ganitong situation. Di ko alam gagawin and kung ano ano naiisip ko (parang nasa isip ko, ang dami kong pagkukulang bilang isang ina). Dagdag pa sa iniisip ko is underweight si baby as per last checkup namin. May time pa na humahagulgol din ako kasabay ni baby, di ko mapigilan. Umiinom po ako ng M2, nagttake ng malunggay capsule, saka lactation treats. Any tips naman po kung paano maiimprove ang breastfeeding experience ☹️ salamat po. #advicepls #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

try mo mommy mag POWER PUMP. search nyo sa google kung paano gawin. ganyan din ako sa first baby ko pero lumakas din supply ko eventually. wag ka panghinaan mg loob mommy. mind over body lang yan. Tsaka lage ka mag ulam ng mga may sabaw. and keep yourself hydrated