Antibiotic UTI

Hi po mga mommy. 5 days ago ng pa urinalysis ako then lumitaw sa result na meron ako uti. And binigyan po ako ng antibiotics good for 10 days then after that patest daw ult ako. Kso medyo scared ksi ako mgtake ng magtake ng antibiotic. Bale khpon po ngpatest na ako kaagad na dko tnapos ung 10 days ko. Mga 3 days ko lang tinake and sa result negative n po ksi ako sa uti. Ask ko lang po if ayos lang bgla nlang hndi tinuloy ung antibiotic ko? Ksi gsto ko nalang sana mgwater therapy para di na mablik ang uti. Wala po kaya mggng epekto ung pagtigil ko lang bgla ng antibiotic o need ko po tlaga tapusin? Thanks po mga mommy.. FTM po

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganito na lang po momsh para sayo at sa awareness ng iba pa. Ang usual duration ng antibiotic is 7days. Lalo sa UTI. Ngayon po once nasimulan na, makakabubuti na tapusin ang treatment kasi pag nagtake ka na nyan unti unti pahihinain ng antibiotic ang bacteria hanggang sa tuluyan ng mamatay. Ang problema po pag di mo tinapos, pinahina mo lang ang bacteria, pero magkakaron sya ng time ng magrecover kasi di namatay eh di natapos yung gamutan. So sa susunod na magka infection ka, si bacteria di na tatablan ng ininom mong antibotic. Mas mataas na dapat ang generation ng gamot na dapat mo itake. Tawag mo dyan, "resistant". UTI po ay common sa mga babae, mas sa mga buntis. Pwede naman ang water therapy, pero sana kung yun ang option natin- wag ngsimulan ang antibiotic. Mas safe yun para sainyo ni baby. 🙂

Magbasa pa