Mag-work O Alagaan Si Baby

Hello po mga mommy's. 3 months old na po ang baby ko and turning 4 on 5th day the next month. Iniwan ko po sya sa quezon province dahil sa situation natin dito sa manila, back to work na po kasi ako and tapos na yung maternity leave ko. Im a frontliner po, kami ng mister ko and 1 week na po akong nakaduty. So, ngayon po merong memorandum ang Unit namin na exempted sa duty yung mga pregnant and lactating women. Hindi po ako makapagdecide, gusto ko po sanang bumalik sa anak ko kasi sobrang nangungulila po ako sa kanya pero sa kabilang banda 1 week na po akong naexpose sa labas at natatakot ako n baka ako pa ang magdala na virus sa kanya at sa aking pamilya duon, isa pa pong dahilan na kung sakaling totoo na ippromote lahat ng nakaduty during this crisis sa unit namin, hindi po ako makakasama kung sakali na hindi ako papasok. Advice naman po mga mommy.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Well, since na exposed kana..better to continue it nalang.. may nag aalaga naman sa baby mo eh. If mag home quarantine kanaman para makapag alaga kay baby..anong assurance na safe na yung 14 days.. anyway, you are working because of your family and also to serve the others specially on this situation.. we salute u for that.. but its risky at the same time kung bigla kang uuwi to take care of your child..baby pa sya and ang immune system is hindi pa ganun kalakas..so better stay where you are..magkakasama din naman kayo after this pandemic and matatapos din po ito.. praying for your safety as well as for ur family. God Bless 😇😇😇

Magbasa pa

sa panahon po ngayon mas ok na mag hands on sa pag aalaga ng baby,,maaring mapromote nga po pano nmn po c baby na sa mga gnitong pagkakataon magulang ang kailangan nya..tsaka if ever nman po c mister my trbho pdin nman pra sumoporta sa inyo.. mag home quarantine po muna kau,,

If I were you ill go home. Quarantine myself muna for 14days.. ska ko babalik sa work pag ok na.mas mahalaga sakin n makasama anak ko kesa sa work.. minsan lng sila baby and I will not miss that. Yung work anytime Pwede ko balikan.

5y ago

Btw entitled kayo para sa covid test if I'm not mistaken. Health worker k b?

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2005542)

VIP Member

Pulis po kayo momsh? Yan kasi usap usapan sa PNP ngayon ippromote lahat ng nakaduty. Pwede naman sa next promotion nalang momsh alagaan nyo nalang muna baby nyo ngayon.

mas masarap pong nakikita ang milestone ni baby🤗 pwede mapromote ka po pero baka ‘di na masyadong maalagaan si baby, anytime naman po anjan lang ang work.

alam q nirecall ung memo re: pregnant and lactating women., ung lactating women saamin pinabalik na sa duty pero sa stn lang muna, di pinapasama sa 8 hrs checkpoint

5y ago

qng mass promotion, ok lang naman na di agad mapromote since na nakabalik kana sa work wala ka ng magagawa di ka naman makakapagfile ng leave kasi heightened alert sa ngaun., kung sa su2nod under qouta sa promotion mas mdli din mpromote., sabi nga eh follow and follow, until you follow no more.. 😁😁😁

Uwi ka mommy pero magquarantine ka muna 14 days pra sure

both