Start of leave
Hello po mga mommies! Sa mga working mommies po jan, kelan po kayo nag start mag leave? 33 weeks palang ako, pero parang di ko na kayang pumasok sa office huhu 🥲

Pwede ka nman po magrequest sa ob mo ng early maternity leave, Kasi Ang exact talaga na binigay ng ob is 37 weeks. papasok po yan sa sick leave na early maternity leave mo. Mag iistart nman po Ang maternity leave mo pag nanganak kana yun yung 105 days, kaya okay lng po na mag pahinga pag di na kaya.
FTM po. ika 39 weeks po ang ipinaalam konpero nanganak ako 38 weeks, Friday then monday next nun, start na leave ko po. pwede nmn mas agahan mo po. ako po kasi gusto ko masulit na ang leave sumakto nmn po ang file ko. yung iba kasi inaagahan para magpatagtag sila at pahinga po.
ako nagstart aqng magleave sa work nung 37 weeks na tummy ko kasi di ko na din kaya although work from home naman aq kaya lang night shift kasi aq tapos sa umaga nag-aasikaso pa ng toddler na papasok sa school (kindergarten palang)
Ako din 31 weeks na ngaun pero kung ano ano na nararamramdaman pinpilit lng magwork pero mdalas ako magleave. Simula 1st tri lagi nako pagod kht la gngwa pag nsa bahay pagod at hingal pa dn nakailang bedrest na dn ako.
ako 32 weeks, nagrequest ako sa ob i rest muna ko 2 weeks, dahil bumabyahe ako bulacan to pasay. after nung 2nd week, nirecommend na until birth, prone to pre term labor daw kasi.
nagstart leave ko nung 1 month na si baby. 😅 yung supervisor kong bwisit di inasikaso eh... kaya ayun late na start ng matleave ko.
mommy pag di mo na kaya pwde k nman po magrequest ng medcert sa OB mo pra mkpag early maternity leave ka, ganyan po sakin nun
i worked until i gave birth in my 2 pregnancies. so start ng mat leave ko ay day na nagstart ang labor ko.
ako po 25weeks nagleave nako di ko na kaya hirap at sobrang pagod nako Restaurant po ako nag work
Ako nagleave ng 38 weeks na ko kasi grabe na bigat ng tyan ko di ko na kaya.
Mama of 3 bouncy cub