17 Replies

i got paranoid din nung 16 weeks na kami ni baby kasi nababasa ko usually, ang movements daw maffeel mo when you reach the 16th or 18th week of pregnancy. pero parang wala pa. but my ob told me na hindi naman daw pare-pareho ang mga preggy. mga 18-20 weeks daw dyan mag sstart yung movement pero umpisa parang pitik pitik lang, ganun... pero nung nasa 18 weeks and 4 days ata yun parang merong nag vvibrate sa may puson ko then may paminsan minsang parang pumipitik.. we're already on our 19th week now, pero di pa rin madalas yung movement and hindi pa ganun kalakas...

ako po 16 weeks pero lagi kasi ako nakahawak sa chan ko sa gabi (kumbaga inaabangan ko talaga) ayun.. :) ngayon 30 weeks na, alon alon na lagi yung chan ko hehehe

sa panganay ko 20 weeks nako tsaka ko palang siya naramdaman. pero sa 2nd baby ko, as early as 13 weeks, naramdamn ko na siya

VIP Member

sa 1st baby ko mga 22 weeks na. sa 2nd baby mga 15 weeks. depende sa position ata ng placenta at uterus

20 weeks po mararamdaman mo nayan, pitik pitik usually po 25 weeks pa po talaga nararamdaman si baby

first time mom po between 18 to 20 weeks sya mararamdaman. hintay hintay lang po kayo. :)

pag di naman first time, mas maaga tong mafefeel, in betweem 16 to 18 weeks :)

17 weeks ko siya unang nafeel 🥰 21 weeks na bukas and super lakas na ng sipa.

Super Mum

Kapag first pregnancy you can feel it as early as 18 weeks or 24 weeks po

VIP Member

11weeks ako now sis nararamdaman ko pitik2 parang heartbeat ni baby🤗

18 weeks po flutter lang then 20 weeks yung kicks na talaga

Trending na Tanong

Related Articles