Gestanol (Progesterone Vaginal Suppository)

Hello po mga mommies, I'm 17weeks pregnant tomorrow. Tanong ko lang po kung may kaparehas ba ako na nag susuppository ng progesterone, specifically Gestanol. More than 1 week na ako nag iinsert non, pero 3 days ago tinubuan ako ng parang butlig or pantal na color white sa outer part ng v*gina ko (see photo) makati and iritable talaga, tapos ngayon parang feeling ko nag suswell siya. Nag try ako mag hugas kanina gamit gynepro fem wash, sa ngayon inoobserve ko pa rin. Hindi ko alam kung dahil ba sa vaginal suppository or iritable dahil sa init ng panahon lagi din kasi ako naka cycling short. 😞 Matagal pa kasi balik ko sa OB ko, baka may same experience po dito? Pa share naman po. Thank you!

Gestanol (Progesterone Vaginal Suppository)
5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nakaprogesterone po ako - heragest. 3x a day and mag 7 weeks na ata akong naglalagay. nagkaparang pimple rin ako sa ganyan. pero mas mababa lang na location. di nga lang sya makati though uncomfy kasi pag naginsert ako natatamaan ko minsan. water lang po ang pinangwawash ko para iwas irritation. di rin po ako nagtight uwear, cotton panties lang and shorts. baka po naiiritate dahil sa cycling? if sa gamot naman ang concern mo, you may check with your OB. baka need palitan

Magbasa pa
8mo ago

Gaano katagal bago nawala mommy yung sayo po?

Baka razor bump po. Nag si shave po ba kayo? Kasi kadalasan po nagkakaroon tayo ng parang pimple like bump dahil sa pag shave. Been inserting heragest progesterone for 2 months. Never had those. Siguradohin nyo lang po tama yung stroke ng pag dhave nyo not against the direction of your hair. Then observe if walang smell sa private part mo and if yung kati hindi galing sa loob.. do tell your ob po if it seems kakaiba na

Magbasa pa
8mo ago

siguro po kaya nairitate sa labas kasi natatamaan. try ko po na water lang gamitin sa pagwash baka makahelp. pag wala pa rin, ob po para macheck

Thanks po sa mga answers niyo mga mommy. Nacheck na po ng OB ko yung tumubo sa akin, dahil daw po sa init ng panahon at uso daw po iyon sa buntis kapag ganitong panahon. Pinag antibiotic ako kasi possible daw na babalik at lilipat lang ng pwesto, inadvice din po ako gumamit ng vagicare soap pang wash na private part. Thanks God at safe kami ni baby.

Magbasa pa

add ko lang, nagbasa ako nung naramdaman ko na may ganyan ako. pinakita ko rin kay hubby and sabi nya parang pimple nga. sabi sa nabasa ko masa okay na wag galawin nang galawin at water lang gamitin pangwash. so far ok naman sya now. di nalaki nor naiiritate

Parang nagkaroon ako ng parang pimple sa singit iniisip ko nga baka pigsa pero since laging naiipit dahil nasa singit di na lumaki