Sobra Mag Lungad
Hello po mga Mommies. Ftm po ako sobrang worried na po ksi ako sa baby ko. 1 month old na po sya baby girl, mix feed po sya pero mas madalas breastfeed. Grabe po kasi sya mag lungad pati sa ilong may lumalabas. Na sabi ko na po yun sa pedia nya ang advice lang is overfeed sya at ipaburp lang ng maayos. Pero kahit po nag burp na sya ganun pa din. Madalas pa din po sya maglungad sa ilong 😢 kung hndi naman po may lumabas sa ilong parang halos lahat ng dinede nya nilalabas din nya. May times kasabay pa ng pag burp nya ung sobrang dami ng lungad nya. Sobrang nag woworry na po ako. Any advice po lalo na ngyon hndi pa po makapag pa check up. Thank you po.
Pinagdaanan din namen yan kay baby. Yung lagi talaga sya naglulungad. Super dame minsan parang suka na. Minsan sa paghawak din momsh. Make sure mong di mapipisil o maiipit ang dibdib at tyan. Minsan nga di na lang namen bineburp. Basta nakaangat lang ang ulo nya. Mga 30 minutes ganun karga tas tsaka namen ilalapag. Minsan naman kase kahit asa oras naman at sakto lang ang milk maglulungad pa din. Isang way pa din siguro. Bawasan mo yung milk pagformula. Baka nga naooverfeed na sya since mixfeed naman. Sa halip na 2oz 1 oz lang tas tsaka ulet yung 1 oz palipasin mo muna ilang minutes. Naalala ko pala. Ano pong milk ni baby? Pinalitan kase ng pedia ng tummicare yung milk nya kase mas magaan daw sa tyan yun. So nalessen yung paglulungad.
Magbasa pa
Got a bun in the oven