Baby just turned one week old at napadalas paglalatach at pagdumi nya
Hi po mga mii. Normal po ba na nagbago ung kumbaga routine ni baby after nya mag 1week old? Ngayon po kasi 4hrs na kaming nag-a-unli latch tapos ang dalas po ng pagdumi nya na kulay medyo yellowish na basa, same sa poopoo nya nung bago sya mag 1week old. Sa 4hrs po na un na gising sya, nakakaidlip sya while nagdedede tapos pag binaba ko na iiyak na. Before po sya mag 1wk , walang kaso sknya na ibababa ko sya. Pero ngayon naiyak na. Tapos maglalatch na naman kami. Paulit2 po na ganun na umaabot ng 4hrs. Sino po may same experience sakin? Pashare naman po. Thank you.