Amoebiasis
Hello po mga mi, ask ko lang po sino may same case nang baby namin. pag uwi galing hospital nang ipanganak siya Pure breast feed po si baby 2 weeks old ang baby namin diagnosed na po siya nang amoebiasis until now na 4 months siya 4x na po siya nag gamot nang flagyl meron pa nga po isang beses reseta sakanya 2 weeks flagyl still meron parin po, ginawa na po namin lahat na huwag po siya ipag bottle feed, may dalawang maharlikang probiotics which is (Flotera & e-Zinc) wash hands and sanitize po kami before siya hawakan, di po namin siya pinaglalaruan, may sarili siyang hand sanitizer since thumb suck na po siya, mineral panligo even sa paglinis ko nang nipples ko, laging bago ang bed sheet every 3 days, lagi clean nang room still meron parin po, so yung pedia niya pinagstop na nang gamot at monitor nalang since di naman bumababa ang timbang ni baby at overweight pa, di rin linalagnat at nagsusuka at paguhit guhit or tuldok lang ang blood sa pupu pero today mas marami pupu niya compare sa dati, pashare naman po nang ginawa niyo mga mi super worry na po kami 😢 maraming salamat po sa tutugon ❤️