Normal ba sa first trimester ang suka ng suka??

Hello po mga mhiee normal lang po ba sa first trimester ang isuka yung kinakaing kanin? Hindi na po kase ako nakakakain ng kanin kase everytime na kakain ako ng kanin sinusuka ko kaya kokonti lang yung kanin na nakakain ko. And ngayon ngayon lang po katatapos ko kumain kaso sinuka ko lahat pati tubig. Bakit po kaya?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It will get better soon sis. Sa ngayon eat ka muna ng fruits o kaya biscuits kung di talaga kaya ng kanin. Ang tinetake kong food dati ay Cereal,apple,crackers,banana tas pre natal vitamins and anmum. Pilitin mo uminom ng tubig para di ka madehydrate. Kaya mo yan sis, ganyan talaga. Ask your OB din for meds para malessen pagsusuka mo. And take a lot of rest.

Magbasa pa