Hello po mga mamsh. Share lang po ng nararamdaman. Minsan po nakakaramdam ako ng depression sa mga posts po dto, kasi minsan nakakalungkot yung mga post, lalo na po yung post na 3months na pero wala pa ding heartbeat yung baby. Im on my first trimester po and 1st time mom po, kaya medyo nadedepressed po ako at natatakot kasi diba po delikado ang 1st trimester kya todo pray ako na sana maging okay lahat eh. Pero di maalis sa isip ko yung post na yun. Naiiyak ako kasi natatakot ako, ayaw ko mangyari yun sa baby ko. ? Sorry po mga mamsh, wala po sana mambabash. Thanks po.
Anonymous