6 Replies

hi po I'm a cs mom incase na ma'cs po kayo eto po mga experience ko.. May pinapasuot nman po sa mga hospitals na lab gown pero pag naroom in na po kayo dun pwede na kayo mag palit.. ako po shirt at pajamas dahil lamigin ako at takot sa binat naka socks dn po ako nun may kumot pa.. After giving birth dun plng po lumabas gatas ko more sabaw with malunggay po dpat kau kahit habang buntis plng tas mga seashells po na sinabawan.. After sa hosp. pinagbilin na ni Ob na maligo na ako sa bahay at basain ung tahi ko sabunan daw ng very very light para matanggal dn germs tas linis 3x a day ng betadine and may ointment dn na pinapahid.. Pinaka best way is wag mong babyhin yung sarili mo kilos2 ka dn kahit papano para mas madali mag heal.. mag pausok dn daw po after giving birth pakuluan ng bayabas tas lagay sa arenola then mag kulong po kau dun with kumot.. nakakatawa pero un ang sabi ng mga matatanda..

VIP Member

1. Use button-down shirts, or loose clothes. 2. In my case, nag shower na ako pagka uwi namin. Always use warm water. Never ko naexperience ang binat. 3. Yes. Pwede naman. Warm water always. 4. Dampi dampi lang muna, wag masyadong iscrub. 5. Pwede ka na mag shower kahit pagka uwi ninyo, for hygienic purposes. 😉 6. Wala naman. Unless may sinabi si OB. Try to use pants, socks, and bonnet. Para iwas binat. Try na wag masyado maggagagalaw after manganak. Para iwas binat. Paunang advice lang. Masakit ang breastfeeding sa first weeks, I'm not kidding, masakit sa physical and mental. My tip. Kung meron kang kasama lagi, after breastfeeding baby, pwede mo ibigay sakanila para sila ang magpa burp kung as in inaantok ka na at hindi mo na kaya. Congratulations! 😊

Hi Mommy Sheryl.. i can feel your excitement..nkaka good vibes!😉 Since nasagot na ng ibang mothers yung queries nyo,. Remind nlng po kayo baka lang mkalimutan ba..😊 1.Write down the correct spelling of baby's name kasi baka mali mali yung maisulat ng mag register. 2. If you have PhilHealth, prepare po kayo ng MDR 3. Have somebody to cook you sabaw sabaw na pagkain with malunggay, papaya or shells para mas marami kayong milk. In that way, hindi kayo mapilitang bumili ng formula milk para lng hindi magutom si baby. Yun lang ang sa akin mommy.. sana nkatulong ako. ☺

Thanks po ❤️❤️big help po

Hi mommy! Ako po daster po suot ko nung nanganak ako para easy access din sa pagpapadede. Yung OB ko po sinabihan ko na pwede na ko maligo the day after ko manganak pero due to kasanihan after 7 days pa ko nakaligo para iwas binat daw. Sa paghuhugas ng private part, gamit ka po Gyne Pro na feminine wash then luke warm water po gamitin po. Sa pangligo maligamgam din po para di ka pasukin ng lamig and iwas binat din 😊

Hi mommy ako ma's maganda kpg naka duster ka pra comportable lalo n kpg nsa labor room kna wala kna undies noon, tska after mo manganak punas ka lng NG katawan kc d pa pwede maligo noon, Pro s hospital pinapa paligo n NG doctor eh🤦‍♀️😅.... Tska s pag hugas nmn NG private part wag maligamgam, ung running water lng, kc mabilis malusaw NG tahi kpg maligamgam palagi,or pweding alternate...

1 week pwd ka na maligo.. Nkapajama ka dapat pagkatapos mo manganak.. Sa top naman kahit ano pwd Wala ka kahit ano pwd ipahid. Kung natahi ka after manganak kailangan mo linisin ung ano mo gamit ang pinakulaang dahon ng bayabas pra mag heal agad

Trending na Tanong