26 Replies

Happy Mother’s Day Momsh! Fighting lang. I got early CS Dec2019. My little warrior was born nearly 900grams, had blood transfusion from time to time. I had pre-eclampsia. Si baby nasa ICU during Christmas and New Year. I know how hard your situation is. Pero Momsh, ilaban mo yan. Wag mong papabayaan ung sarili mo kasi our little baby can feel our stress and depression. Maghanap ka Momsh na support system mo tutulong maboost ung confidence mo. Most importantly, PRAYERS. More more prayers. Iiyak mo lang if nahihirapan ka. Sooner or later magiging okay ka din. Kayang kaya mo yan Momsh! Mahal na mahal ka ni Lord. Ilaban mo lang yan. Kasi si baby sa loob ng incubator lumalaban para makasama kayo. Alam ko kung gaano yan kasakit na makitang maraming nakatusok sa kanya. Kung ako nga kinaya ko. Kayang kaya mo din yan. God bless.

PM mo ko if need mo ng kausap. Makikinig ako sayo. Basta ung mga meds mo na bigay sayo ng obgyne kailangan inumin mo pa din ah. Kasi ako after ko madischarge sa ospital naiwan pa si baby sa NICU. Tapos na depress ako. Palagi din kasi akong mag isa. Ayokong mastress parents ko sakin. Tapos nagkasakit ako nun. Kasi araw araw akong nasa ospital. Napabayaan ko ung katawan ko. Kaya wag ka ng gagaya sakin. Alam mo. Worth it lahat ng sacrifices natin. Kaya papakatatagan mo loob mo. Kahit minsan naloloka ka na kakaisip. Naiiyak mag isa. Labanan mo. Kasi si baby. Lumalaban para sainyo. God Bless.❤️❤️❤️

Pray lng mommy, kaya mo yan at ng baby mo. Wag kang panghihinaan ng loob kc sayo kumukuha ng lakas ang baby mo. Malapit ka man sa baby mo o hindi ramdam ka nya. Yan ang sabi sakin dati ng PICU nurses, wag ko daw ako iiyak sa malapit kay baby kc nararamdaman yun ng baby kaya dapat kapit lng at prayer. Baby ko ng maubusan ng ugat sa paa at kamay kc nagputukan din sa leeg na nilagyan ng swero sobrang takot namin pero kinaya naman. As long as na laban baby mo laban ka din. Ngayon 8mos healthy baby ang baby ko. Nasalinan din ng dugo twice, sobrang baba ang hemoglobin, pero fight lng sya. Kaya yan ng baby mo. Pray lng always, trust God all the time.

Ngayon 8mos na baby ko. Patuloy padin ang paginom nya ng FERLIN para sa dugo nya kc malabnaw pa din sabi ng hemotologist. Pero sa awa ng Diyos hnd naman sakitin at talagang fighter, kaya ang baby mo momsh lalaking fighter yan at strong. Kht puro antibiotic ang katawan nun eh buti at wala namang naging side effect sa baby ko, kinatakot kc ng pedia nun na baka daw maapektuhan ang mata, pandinig at utak. Ito at healthy naman si baby. Naabot ang milestone nya monthly. Tiwala at pray, pray, pray, pray lang momsh.

Mommy prayer ka lang di ka nya pbbyaan. Ganyan din na feel ko nong nanganak ako sa 2nd baby ko naintubate at nasalinan din ng dugo. Advice sakin ng mga doctor s nicu kung panghinaan ako ng loob wag ko daw muna sya bantayan sa loob kc naaabsorb daw ni baby ung feelings ko, c baby daw lumalaban tapos ako naman pinanghihinaan ng loob. Kaya don lng ako sa labas laging nagdadasal s chapel ung hubby ko lang pumapasok sa nicu pra bantayan c baby. Sa awa ng diyos 6yrs na baby ko. Pray lng tyo mommy, kaya ng baby mo yan.

Thank u mamsh. I need this po. salamat

Mommy, kumapit ka sa panginoon kc Xa lang tlga ang mkakapitan sa ngayon, sobra akong nalulungkot kc ngkaroon ako ng pprom, preemie baby ko 5 months pa lang kya hndi tlga viable mabuhay, totoo yung pakiramdam na para kang tatakasan ng bait.. papag pray ko na mabuhay ang baby mo dahil ayaw ko na maranasan mo ung nranasan ko at patuloy na nararanasan gang ngayon.. ngayon mo pagtibayin ang pananalig mo kay Lord.. 🥺🥺

Pray ka lang po mommy.. 32weks din ang baby ku n0ng lumabas cxa naka 12days po siya sa NICU fel ku din ung sakit na naramdaman m0. Pag bibisita aku sa NICU palagi akung na darasal habang nag mamasid ako kay baby.. Minsan kakausapin ku siya kahit nasa labas lng ak0. Wag kang pang hinaan ng l0ob nanjan ang Panginoon d tayu pababayaan.. I will include u and ur baby in my prayer.. 😘 Palakas ka m0mmy.

VIP Member

Have faith mumsh, walang imposible kay lord. 💓🙏 pag makita mo po si baby kausapin mo sya lagi. fight fight fight lang! di sya ppabayaan ng angels nya 🤗🙏Keentuhan mo sya na excited na kayo na maiuwi sya sa bahay at dun maalagaan at makasama... 💓💓💓 para maramdaman ni baby ung love and na strong kayo para sa knya.

Hwg kng susuko mommy...malalagpasan nyo dn yn gnyan dn baby q 31weeks lng dn nong nilabas q xa nong march 27 tpos naiuwe nmun xa april 27 dn 1month dn xa don pagagalingin xa n god mgtiwla k lng poh pray lng poh tau

Msta po si lo mommy?

I feel you moms, naranasan kuna din manganak nang 7mons paku and via normal delivery.. Ngka complication dn sya sa duguh sepsis and lumala nang lumala.. Just pray moms, gagaling baby mo in gods will..

yes mamsh what happened po kay baby?

May the Lord hear your prayers mommy. Wag ka pong susuko. Walang impossible sa Lord Kaya pray Lang Ng pray. Palalakasin ni Lord Ang baby mo Kaya magpa lakas ka din para sa kanya..

VIP Member

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. I really appreciate each and everyones comment po. This is what I need right now. Thank u mga mommies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles