1 Replies
i started speech therapy at home ng anak ko at 1 yo. ang reason ko naman ay dahil hindi sia lumilingon kapag tinatawag. eventually, natutuwa ako dahil ang dami na niang words na alam. alam na rin nia ang name nia kaya lumilingon sia kahit tinatawag namin habang kami ay nakatago. i teach words while we play to make learning fun. hindi talaga sia ung turo na as in one-on-one, kasi we are playing. i just keep on talking. sinasabi ko kung ano itong toy na ito. kukunin ko sandali ang attention nia para imikin ung word, nagagaya nia then balik ulit kami sa playing. unti-unti. hindi mo namamalayan, inaabsorb nia ung sinasabi mo. eventually, sasabihin nia un na mabibigla ka. inenroll ko rin ang anak ko sa playschool para sa speech improvement and social development nung 2yo sia kasi ang worry ko naman ay hindi pa sia nakaka-speak in sentences. sabi kasi ng pedia ay magstart na ang 2yo sa sentences. mas mahirap na siang ituro. also, sabi ng therapy center, hindi need ng speech therapy ng anak ko dahil malinaw ang words nia. tinuro na lang kung pano ma improve ang sentences nia. ngaung 3yo na sia, nakaka sentences na sia. may mga sentences na hindi ko tinuro pero natutuhan nia from teacher dahil naririnig nia sa kanila. nagugulat na lang ako sa mga sinasabi nia, nakakatuwa. mahal man pero it is for our kid's development. i think, nakakaintindi naman si baby nio dahil umiiling sia. continue to talk lang. ang nakatulong din sa anak namin ay socializing/playing with other kids. kasi ung ibang bata nagsasalita na, pwedeng gagaya sia or ma-encourage sia to speak. kaya ko po ito nagawa ng maaga dahil ang 1st born ko, nakapagsalita ng maaga kaya sa 2nd born ko, i did intervention para ma-meet ang milestone like ng ate nia.
Shiela Itay