SSS MATERNITY BENEFIT

Hello po. Meron na po akong sss acct dati nung nasa private company po ako pero nung 2015 napasok po ako sa government kaya nastop yung contribution ko sa sss. Ngayon po 4 mos akong pregnant, qualified po kaya ako magapply ng maternity benefit ng sss kung maguupdate po ako ng contribution? Thank you po sa sasagot.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ipachange nyo po muna as voluntary member kayo bago maqualify. tapos pag nagreflect na voluntary member na kayo saka po kayo maghulog. mag generate po kayo PRN sa sss website para mahulugan, yung prn yan yung parang tracking number na gagamitin nyo pwede nyo hulugan sss nyo sa bayad center or thru Bank transfer. lahat po kasi ng transactions online na ginagawa dahil sa covid.. tapos saka nyo po ipasa ang mat1 notification nyo sa sss website din po.

Magbasa pa