Hindi na nakainom ng Folic Acid

Hi po. Matanong ko lang po if okay lang po ba na since nung 7 weeks ko di na po ako naka inom ng folic acid? Kasi since nung 6 weeks nung ako nakainom ako nakadalawa lang kasi lahat nalang ng kinakain ko naisusuka ko. Tapos uminom ako ng gamot bigla ko nalang naisuka tapos di ko na gusto ang lasa. 9 weeks na ako ngayon medyo okay na pakiramdam ko pero suka parin ako ng suka. Kamusta po ba? Okay parin po ba ang baby ko? Di naman po ba nakakasama sa kanya? Pwedi po ba kapag okay na talaga ako saka ko nalang inumin yung folic acid ko? Please pasagot po. Thank you.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din po ganyan nagtataka nga OB q bakit mababa yung timbang q kako baka sa kakasuka q 19weeks after ok na aq ndi na q sumusuka pag minsan nlang na may naamoy aq na di gusto chineck q timbang medyo bumigat na q

ako nung una ganyan, nagsusuka, pero nilabanan ko yan, kasi isipin mo para sa baby yan hindi yan para sayo, para sa development nya yan, tulong mo yan sa kania sa loob ng tyan mo, makakaraos ka rin.

Importante po sa bby ang folic kasi tinutulungan po niya sa pag develop ang baby kung maari po sana uminom po kayo ng vitamins at folic niyo para sa baby niyo po mahirap na po pag sa huli mag sisi

panay din ako suka dati gang 12weeks pero folic talaga ung di ko kinakalimutan inumin, ung ibang vitamins di ko ininom, folic lang iun pinaka importante gang sa maka labas si baby,.

mii very important an folic for the baby’s development. madami ponng brand yan or kahit generic pa importante magtake ka po as soon as possible.

nung preggy ako sa 2nd child ko 1 month lng ako nakapag folic acid then wala na.. kain lng po ng healthy foods mamsh then mag milk po lage

Try Quatrofol, Regenesis Max or Prenat ferrous + folic.. Kahit alin dyan Pwede sa buntis.. ask ka din sa Pharmacist kung Ano available sa kanila..

Pinakaimportante ang folic acid during 1st trimester. Maaring maapektuhan development ni baby and may cause birth defects if may deficiency

mi need kc un ni baby, so kailangan mo talagang kayanin kahit suka ka ng suka, magtanong ka sa ob ng ibang brand, wag ka muna bili ng madami.

ganyan rin nangyari sakin.. tapos kinontinue ko sya after a month ulet ang pag inom. ok naman ang baby.. walang bingut or malformation.