Hello po magandang hapon po sainyong lahat, hihingi lang po ako sana ng tulong at tips kung kailan at paano po ninyo mababago yung ugali ng baby? Pasensya na sa tanong na ito pero sobrang stressed at pagod na pagod na po kasi ako sa lahat ng gawain bilang nanay, hindi ko naman pinapabayaan yung anak ko at palagi kong tinitiis at hinahabaan pasensya ko hanggat maaari pero yung anak ko grabe at sobra simula 1 months hanggang ngayon 6 months sya, pagod na pagod na ako patahanin patulugin pa dedein pakainin lahat po yan iniiyakan nya, bago matulog iyak, pag gising iyak, pag hinayaan sya mag laro kahit komportable iiyak sya, ngayon pinapakain ko siya ng solid foods iiyakan nya din actually po going 7 months na sya pero hindi ko na po kasi alam gagawin ko, single mom po ako at walang katuwang sa pag alaga sa anak ko. Dito na din ako nag ra-rant kasi aware ako sa postpartum depression. Sobrang hirap na hirap na ako kahit ayoko pong magalit sa anak ko, minsan nasisigawan ko na sa sobrang stressed at madalas iniiyak at ipinapa sa langit ko na lang lahat pero iba talaga tong baby ko, nag seek na din ako ng help sa iba wala talagang emeffect. Iniiyak ko na lang lahat dahil wala akong magawa pagod na pagod na buong katawan ko pati ulo ko kakaisip 😭
maoshi