GIVEAWAY BABY CLOTHES

EDITED! MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT MGA MUMSHIE! Napakahirap pumili at kung pwede lang bigyan lahat 😭 Hangad ko ang biyaya sa inyo ng Panginoon at manatiling kumapit at mag tiwala lalo na sa mga nahihirapan ngayon. Naideliver na po yung giveaway clothes natin. God bless you all! hello po! long post ahead! kami po ay nabiyayaan ng mga damit mula sa mga kaibigan at pamilya kaya napagdesisyunan naming mag-asawa na ibigay ang iba sa mga katulad din naming nahirapan mag ipon ng gamit ni baby dahil sa sitwasyon ngayon. Opo walang bayad! Hindi rin po ito tripping or scam. 2 hoodie jackets 2 skirts 12 onesies 3 pajamas 6 newborn hats 8 hand mittens 3 feet mittens 10 newborn socks 2 sleeveless baru-baruan 3 sando 3 short sleeves 5 dresses 2 adult diaper for mommy Meron pong ilan-ilan na may stain dahil nahaluan ng de-kolor pero most of it are in good condition. Pang-babae po yung baby clothes. BAWAL SA MAARTE. Ang pipiliin ko lang po yung DESERVING at AMINADONG walang mapagkukuhaan ng pera pang gamit kay baby. Please comment down kung bakit hindi ka makakabili, name mo sa facebook at contact number. Kailangan kong mag-check ng profile sa facebook para talagang deserving ang makakakuha. 😊 LOCATION: LOWER ANTIPOLO - Masinag Area

GIVEAWAY BABY CLOTHES
46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana merun din sakin mag share taga palawan na lockdown kc nkaraan kya d naka ipon ung dating damit kc nasunog nung nag kasunogan

5y ago

Pasensya na po mommy. Kinalulungkot ko na nasunugan pa kayo. God bless your family. Sorry po meet up lang kaya ko ngayon πŸ˜”

gusto ko rin sana to from lower antipolo rin pero ibigay ko nalang ung chance sa mga mas deserving sakin.. godbless u po!

Sana po mapili nyo ko walang wala po kmi hanggang ngayon po Wala pa trabaho asawa ko that bikol po ako.09094422652

5y ago

Hi mommy. I can only offer meet up po πŸ˜” sayang malayo po kayo. God bless your family!

Ako po sana taga Cogeo gate 2 kaso baby boy po ang expected baby ko .. sana po ibless pa kayo . Ang bait nio po πŸ’“πŸ’“

5y ago

Salamat po. God bless your family!

VIP Member

Ung hand mittens and s paa sis pwde wla p k all niyan..nnghihiram lng din ako nng barubaruan nng baby. August edd ko

5y ago

Tanay Rizal Sis.saan kba

Ako rin sana wala pa kasi ako gamit manganganak na po need ko gamit ng baby ko sana bigyan ninyo salmt po

5y ago

Pasensya na po mommy. Gusto ko talaga bigyan lahat kaso po meet up lang kaya ko πŸ˜”

VIP Member

Ang galing nmn o ng idea nio,godbless po sa inyo..sayang lng at ang layo ko hehe,,from bataan pa,

5y ago

Salamat po. Hehe layo nga. God bless!

Sis kung pwede ung pang new born na magagamit paglabas ng baby ko

5y ago

Hello mommy. Pasensya na po meet up lang kaya ko ngayon πŸ˜” may kalayuan po location niyo sakin. Sorry mommy.

VIP Member

God Bless you mommy ❀️❀️❀️❀️❀️

Sayang, di ko pa alam gender ng baby ko mamsh.