7 months pregnant

Hi po kinakabahan po kasi ako ngayon ngayon lang. Nadulas po kasi ako and medyo malakas po ung impact sa bandang pwet ko po. Ngayon po masakit po yung tyan ko and balakang pero hindi po ako dinugo. Kinakabahan po kasi ako baka daw mabingot yung anak ko sa pagkadulas ko😢 And ngayon po magpapacheck up po ako. Pray niyo naman po ako mga mamshies na sana maayos si baby sa tyan ko and hindi siya bingot huhu first baby girl po namin sa family namen#1stimemom #advicepls #firstbaby #pregnancy

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nasa lahi nman ang bingot kaya unless may mga kamaganak ka or asawa mo n meron nun, d yan. tsaka at 7 mos buo na facial features ni baby para magkabingot. Ung amniotic fluid natin protection nya yan from any injuries. Wag ka magpapaniwala sa mga kasabihan. Need mo pachek up ASAP tho kasi may mga nararamdaman ka na. baka preterm labor na yan.

Magbasa pa

Hinde naman nakaka cause ng bingot ang pagka dulas. Nasa lahi yan or if folic acid deficient ka. Pacheck up ka lang Mi. Kasi ang concern mo ngayon is sakit ng tiyan at balakang. Sign kasi ng preterm labor.

sana po okay si baby mo 😔 7 months po buo na yan si baby kaya di naman po ata sya mabibingot tsaka po ang dahilan po ng bingot sa lahi po yun and pag di naka inom ng folic acid.

wala naman sa pagka dulas ang bingot mamii, kadalasan yun sa genes, request kayo ultrasound para ma sure nyo kung okay lang si baby nyo

VIP Member

pa check up ka... to ensure your baby being safe.. mas maaga mas mainam wag ka na mg antay Ng negative signs

VIP Member

Di magiging cause ng bingot ang pagkadulas. Pacheck up kung sumasakit ang balakang at tyan..

TapFluencer

praying na healthy po si baby and kayo din po

Hindi po yan mommy mag pray kalang po