Tap app o byenan at mama ko

Hello po, I've been using this app since pregnancy until now turning 6 months na si baby. This app has been very helpful to me since ako lang mag isa nagaalaga kay baby wala akong ibang kasama sa bahay si hubby lng at kapatid ko na lalaki na wala din alam mag alaga ng baby. Dati nag start ako mag tummy time kay baby nung 2 months sya minsan napapapost ako kasi natutuwa ako at namamanage nya naman every time mag tatummy time kami tas sinasabihan ako ng byenan at mama ko na wag daw padapain kesyo mabalian daw ng buto or ano man hintayin lang daw na magkusa sya. Di ako nakinig sa kanila since mas naniniwala ako sa app na to then pagka 4 months ng baby ko dumadapa na sya ng mag isa. Ngayon naman 5 months na sya tini train ko naman sya umupo since yun yung sinasuggest ng app then nakita nanaman nila sa mga post ko at yun nga wag daw muna paupuin baka daw kasi mabalian 😅Ok naman yung baby ko di nman sya nahihirapan pag pinapractice ko sya tsaka saglit lang din naman. Naiintindihan ko din naman iba iba yung capabilities ng baby natin sa pag achieve ng milestones nila. Should I listen to them or I'll just continue doing what the app is suggesting? Wala naman sigurong isasuggest yung app na to kung makakaharm sa baby natin. #1stimemom #firstbaby

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. Continue at wag mo na lang ipost 🤣 Ganyan din mother in law ko. 6 weeks pa lang pinapatummy time ko na, pero patago kasi alam ko hysterical mag react MIL ko. By 2 months nakadapa na siya mag isa, bilib na bilib MIL ko pero hindi ko parin sinabi na pinapatummy time ko. at 5 months pinapractice ko na rin umupo, nakita ng MIL ko, ayun nagkagulo kaya hindi ko na natuloy tuloy ang pagpapractice sakaniya. At 7 months, Although nakaka upo siya sa high chair hindi siya makaupo ng kusa, like from crawl position tapos uupo. Naging issue na naman sa inlaws ko, bakit daw hindi pa umupo ng kusa 🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️ Kaya I suggest since hindi mo naman kasama both mother and MIL mo, gawin mo kung ano gusto mo gawin, wag mo na lang ipost.

Magbasa pa
4y ago

thank you sa reply mamsh nacconcious kasi ako kung tama ba ginagawa ko 😅 oo nga okay na siguro yun tago nalang yung mga milestones ng baby natin 😆