x husband

Hello po I'm 7 mons pregnant po sa LIP ko matagal na po kaming hiwalay ni x husband almost 8yrs na po kasal po kami at Hindi pa annul. Naghiwalay kami dahil sa pananakit nya lalo pag nakainom po umabot pa sa point na pati mga anak namin sinasaktan nya na. Hindi sya nagbibigay ng sustento para sa mga anak nya kahit my work sya kasi katwiran nya may work naman ako may ka LIP na din sya matagal na din sila at last June nalaman ko na nakunan pala LIP nya 5mons pregnant. Ngayon po nalaman nya na buntis ako ginugulo nya po ako ipapakulong nya daw po ako kasi may ibedensya na sya laban sa akin unfair sya nong ang LIP nya ang buntis wala silang narinig sa akin kasi hiwalay na kami. Ano kaya gagawin ko nakakagigil si x husband di ko alam kung pao ba mag isip. May pinirmahan po kami sa barangay na maghihiwlay na kami at susustentuhan nya mga bata Hindi ko na sya pinakulong sa awa ko nalang din sa kanya. Pero Hindi po sya nag susutento ngayon ako na ang tinatakot.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa papel nalang po ung marriage nyo kung matagal na kayong separated. Ganyan din kasi ung mommy ko eh at ayon sa batas kapag umabot na ng ganyan katagal ung separation ng mag asawa at di naman sila nagkikita or nag co-communicate eh parang sa papel nalang ung validity nung kasal at wala ng habol sa isa't isa. Meron naman din po kayong proof of separation sa baranggay at ung ex hubby nyo po ang pwedeng makulong dahil di sya nagsusustento. Pwede nyo po sya kasuhan ng negligence dahil di nya binibigyan ng sustento ang mga anak ninyo kahit may kakayahan naman sya. Patulong po kayo sa VAWC. Ingat ingat po sya sa pananakot sainyo πŸ˜…

Magbasa pa

Wag ka mag alala sis.. my ground k din nmn sa knya Kung sakaling may gawin siyang legal action.. Kung takutin k ng adultery pwede Mo siya sampahan ng concubinage, Lalo n Kung my record live in niya sa hospital n nkunan, nabanggit mo din n live in sila.. grounds din un. So actually parehas Kayo my Laban sa isat Isa. Mas ok Kung punta ka sa PAo para sa legal advice .. πŸ™‚

Magbasa pa

Better momsh seek ka ng legal advise po para mas alam mo yung gagawin mo, saka meron naman pala kayong kasunduan sa barangay na maghihiwalay kayo. Pwede mong itanong kung anong bisa nun if ever magsampa siy ng kaso.

Feeling ko nainggit siya na may baby ka tapos yung baby nya nawala. May kasunduan naman pala kayo na hiwalay na eh. Pero seek ka pa rin ng legal advise para mas makasigurado.